Buong araw masungit si Levi. Tahimik lang din ako at hindi siya iniimik. Maaga kong tinapos ang mga trabahong binigay niya, kaya ngayon nagliligpit na ako ng gamit ko. Nag-message kasi ang kaibigan kong si MJ at makikita kami sa isang restaurant. Doon daw namin kikitain yung magiging ka blind date ko. Hindi kasi ako pumayag na ako lang ang pupunta. First time kong makipag blind date kaya awkward sa akin ang magisang magpunta. Kahit na sabihin niyang harmless ang lalaki makaka blind date ko, hindi pa rin ako komportable. Wala siyang choice kundi ang pumayag sa gusto ko. Tumayo na ako bitbit ang gamit ko at magpapaalam na sana sa kanya. Baka kasi sabihan niya na naman ako na walang paggalang kaya magpapaalam ako sa kanya. " Ahm... Sir, tapos na ako sa mga tabahong binigay mo i should get

