chapter 10 Galit na galit ang kaibigan kung si mj dahil hindi lang isang beses o dalawang beses na naudlot ang kanyang planong blind date. Hiyang hiya na daw siya sa mga kausap niya. Bilang pang bawi sinabi ko na matutuloy na talaga this time. Sinigurado ko na tapos ka na lahat ang trabaho ko pati kay mom at dad ay nagpaalam ako. Nang naayos ko na ang lahat kay Levi naman ako nagpaalam, nag dahilan ako sa kanya at sinabi kong may emergency at kailangan ako ng kaibigan ko. Ayaw ko mag-assume pero napapansin ko kasing nananadya siya para hindi ako makasipot sa blind date ko. Kahit kasi hindi mga importanteng trabaho ay ipinapagawa niya sa akin. Kahit ang trabaho na dapat ay kay Filo ay ipinapasa niya sa akin. Nagtitimpi lang talaga ako sa lalaking ito. Kapag talaga napuno ako tutuhorin ko

