bc

Margarette's wrath

book_age16+
54
FOLLOW
1K
READ
revenge
confident
bxg
kicking
city
like
intro-logo
Blurb

Nagmahal, naiwan, nasaktan at nagluksa. Ngayon bumalik para maghiganti.

Noon akala ni Margarette ay magiging happy ending ang pag-iibigan nila ng bilyonaryong si Chieve Marcus Filomeno pero nagkamali siya. Matapos ang lahat ng naranasang pagdurusa dahil sa pagmamahal niya. Nagbalik siya para iparanas at ipakita sa mga taong nagpahirap sa kanya noon ang poot ng babaeng minsan nilang nilaspatangan.

Tuluyan na nga bang nababalot ang puso niya ng nagbabagang galit lalo na sa lalakeng minsan niyang minahal?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
"Thank you for coming to our first anniversary everyone!" buong galak na sambit ni Krystal Filomeno. habang nasa ibabaw ng entablado kaagapay ang asawang bilyonaryo. Nagpalakpakan ang mga bisita kasulukuyan nilang ipinagdiriwang ang anibersaryo nilang mag-asawa. Umaapaw ang saya sa puso ni Krystal dahil hindi biro ang ilang ginawa niya para lang mapagtagumpayan ang maging Mrs. Chieve Marcus Filomeno. "Congrtas to the both of you!" Hinalikan ni Cynthia Gomez Filomeno ang anak at daughter-in-law. "Thank you mama!" Hinawakan ni Krystal ang kamay ng biyenan at makuhulugan nagtinginan. Nagtulungan sila para sa misyon na ito, alam nilang dalawa na napagtagumapayan na nila ang pagpapakasal niya sa nag-iisang anak nito. "Chieve, bakit naman ganiyan ang hitsura mo? Smile for the press!" bulong ng ginang sa kaisa-isang anak na si Chieve. Ngumiti at kumaway si Cynthia sa media at ilang photographer na nasa harapan nila at nakatutok ang mga kamera. Napahugot ng malalim na hininga si Chieve. Kahit anong pilit sa mga labi na ngumiti ay hindi niya magawa. Obviously, hindi siya masaya sa lahat ng nangyayari sa loob ng sa sariling five star hotel, ang Filomeno Hotel. Wala pa man cheers ay tinungga na niya ang hawak na baso na may laman wine. Nandito ang katawang lupa niya pero wala ang isip at puso niya. "Kiss! Kiss! Kiss! Kiss!" panunudyo ng mga bisita kasabay ng pagpapatunog ng kanilang mga baso. Napasulyap si Krystal sa asawang katabi, maarteng tumawa at umabrisyete rito. Patuloy ang paghiling ng mga bisita ng isang halik sa mag-asawang Filomeno. "Sige na, pagbigyan niyo na!" panunulsol ni Cynthia at nginitian ang mga tao. "Honey," bulong ni Krystal sa kaniya. Walang ganang humarap si Chieve sa asawa. Agad siya nitong hinalikan, ang akala niyang dampi lang ay nagkamali siya. Ninamnam nito ang bawat parte ng labi niya. Naghiyawan ang mga tao, nagpalakpapakan at tuwang-tuwa sa napanood na lambingan ng mag-asawa. Nginitian ni Krystal ang asawa habang nanatiling nakahawak sa pisngi ni Chieve. Natigilan ang lahat ng nasa loob ng hall. Natuon ang mga mata ng bawat isa sa isang babaeng papalapit habang dahan-dahang pumapalakpak. "So sweet!" matamis na sambit ni Margarette at huminto sa pagslo-slow clap. Awtomatikong tumigas ang anyo ni Chieve nang tuluyang masilayan ang babae. Nagtagisan ang kaniyang mga bagang kasabay ng pagyukom ng mga nanginginig na kamao. "Oh, bakit ganiyang ang hitsura ninyo?" natatawang wika muli ni Margarette. "What the hell are you doing here?" sa wakas na bulalas ni Cynthia nang makabawi sa pagkabigla. Ngumiti siya ng ubod ng tamis, lumakad at kinuha ang isang glass hour na may lamang wine na nasa ibabaw ng mesa. Muling itinuon ang atensyon sa tatlong nakatulala lamang sa bawat galaw niya. "Im suprised you asked me that, isn't obvious? I'm here to join your party!" kaswal na sagot niya at umakyat sa stage. Inangat ang baso para mag-alok ng cheers. Umugong ang mga bulong-bulungan sa loob ng hall. At walang tigil ang kislapan ng mga kamera. "W-well, you're not invited!" angil ni Krystal at mabilis na lumapit sa kaniya. Bago pa man siya maitulak nito ay mabilis na humarang ang bodyguard na si Luke at ang kasamang baklang assistant na si Gem. "Calm down people," natatawa at kaswal na pigil niya sa mga ito at tinapik sa mga balikat para bigyang siya ng daan papalapit kay Krystal. "Let's understand Mrs. Filomeno. Maybe she's too suprised to see me here. Nag-gatecrash na ako kasi naman hindi ko ito puwedeng palagpasin!" Binalingan ni Margarette ang dating biyenan na dilat na dilat sa kaniya at ang dating asawa na walang kakurap-kurap sa pagtitig sa mukha niya. "Lumayas ka rito! You don't belong here!" singhal ni Krystal at tinulak siya. Agad siyang inalalayan ni Luke at Gem. Si Krystal naman ay pinigilan ni Cynthia at Chieve. Saglit na napatawa si Margarette at nandidiring pinunasan ang balikat na hinawakan nito. Inayos niya ang mahaba at itim na itim na buhok. "Dear, please act like a human being. Mahiya ka naman sa mga bisita ninyo at sa asawa mo," binigyang diin niya ang huling salita. "Get the hell out of here," matigas na tono at pigil ang galit ni Chieve. Nasalubong ni Margarette ang mala-apoy na tingin nito ngunit hindi siya nagpaapekto at nginisian ito. "Guys, huwag naman kayong ganiyan. I really do prepare myself for this night. I'm back from the grave!" tila balewala ang pag-aasik ng mga galit ng tatlo kung papaano niya ito kausapin. "For each one of you!" pormal at makuhulugang dugtong niya at tinitigan sa mga mata si Krystal at nakita niya kung paano mahaluan ng takot ang mukha nito. "Guard!" tawag ni Cynthia. "Oh, please. Hindi niyo naman kailangan tumawag nh security. I can walk out of here, kung naasiwa kayong nandito ang dating asawa ng anak mo!" Bumaling siya sa ginang at ngumiti. "Fine. Aalis ako, but bear in your mind na hindi pa ito ang huli nating pagkita-kita. We will reunite again and again!" Tumayo ng diretso si Margarette kasabay ng pagtaas ng kaniyang baba. Tinapunan ng tingin ang mga bisitang nakatulala lamang sa kanila. Abot tenga siyang ngumiti sa mga ito at inangat ang hawak na baso. "I am really happy for the both of you!" muli niyang sinulyapan ang mag-asawa at tinungga ang alak. "Umalis ka na rito!" mahina ngunit napakatalim na mga salitang iyon na binitiwan ni Chieve. "Wish granted, my ex-husband!" Kinindatan niya ito na talagang ikinasama ng mukha ni Krystal. Kumaway si Margarette bago tuluyang tumalikod at taas noong naglakad palabas ng hall. Nagsisimula pa lamang siya, hindi na siya makapaghintay sa mga susunod pa na araw. Kung puwedeng magbukang-liwayway na agad ngunit kailangan niyang unti-untiin ang lahat. She wanted to take it slow para lalong mas masakit, para mas malinaw nilang maramdaman ang poot na mayroon siya at susunod pa na panahon. Huminto si Margarette nang makalabas ng Filomeno Hotel. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga. "Okay ka lang?" tanong ni Gem. "Of course, I am!" buong luwag na ngiting tugon niya. "What a news to start my beautiful day!" Ibinaba ni Margarette ang isang newspaper kung saan front page ang mga Filomeno kasama siya. "Good job kayo, Miss Margarette!" puri ni Gem at ibinaba ang isang baso ng orange juice sa tapat niya. Kasulukuyan silang nag-aalmusal sa terrace ng kaniyang bahay. "It wouldn't happened without your help. Kung hindi dahil sa iyo ay hindi ako nakapasok sa hotel ng mga Filomeno." "Madaling chikahin 'yong mga organizer ng party!" sagot nito. Napasandal siya sa kinauupuan at tumanaw sa magandang tanawin. Sa taas kung saan nakatayo ang bagong bahay niya. Ipinagawa niya ito dalawang taon na ang nakalilipas. At ngayon bumalik na siya ay dito piniling manirahan para maningil ng napakalaking utang. "So what's next madam?" tanong ni Gem. "Marami pa, Gem!" punong-puno ang kumpiyansang tugon niya. "What? Bro?!" Tumigil sandali sa pag-iikot ng swivel chair at kinagat ang hawak na ballpen. "So, totoo pala ang nasa balita, iyong tungkol sa pagsulpot ni Margarette kagabi. Sayang hindi ko naabutan. Nakilala ko sana siya!" panghihinayang ni Andres, kaibigan ni Chieve. "How thick her face is, after all that she did! Even if she wore a make up and dressed like a s**t, it didn't changed who she really is!" galit na pahayag niya kasabay ng pagtindig.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook