"I understand your feelings. Pinagpalit ka niya sa isang american drug lord matapos maipanganak ang anak ninyo. But don't deny it, nakita ko sa newspaper she even look hot after four years. Imagine, from being a simple and innocent wife-"
Tinitigan niya ng masama ang kaibigang tahasang pumupuri sa pisikal na anyo ng kaniyang dating asawa.
"Oh, teka lang! Parang gusto mo na akong patayin sa tingin mo. Wala naman sigurong masama na ma-attract kay Margarette dahil single na siya ngayon at hindi mo na siya asawa sa papel man o sa mga mata nga tao."
Parang bomba iyon na sumabog sa kaniya. Ang katotohanan na wala ng bisa ang kasal na naganap sa kanila sa nakalipas na apat na taon.
"Unless, pati ikaw mismo ay attracted pa rin sa ex-wife mo?" panunudyo ni Andres at nanununksong tiningan si Chieve.
Hindi siya nakasagot sa tanong na ito. Kagabi nang makita niya muli ang babaeng iyon ay talagang halo-halong emosyon ang naramdaman niya.
Kaba, galit, sabik?
Hindi maitatanggi ang gandang mayroon ito noon pa man. Magaganda ang malalaki nitong mga mata, natural ang matangos nitong ilong, napakanipis at nakaakit na labi. Mas lalonh nagpadagdag ng dating nito ay ang kulay na pilipinang-pilipina.
"I know you Chieve, pareho tayong lalake. I know you from head to toe."
Lumunok si Chieve ng ilang beses bago nagsalita kasabay ng pagsalubong ng tingin ng kaibigan.
"I admit it, she attracted me. Ganoon naman tayong mga lalake, naakit sa mga babaeng maganda na, maganda pa ang hubog ng katawan. Pero hanggang
doon na lamang iyon. It's just attraction at wala ng hihigit pa roon. Once a crook, always a crook!" determinado niyang tugon at muling umupo.
"Sabi mo e, nagtatanong lang naman ako!" Patawa-tawang sambit nito habang tumatango-tango.
Isang katok ang pumutol sa usapan nila. Bumukas iyon at ang matandang si Belinda, ang sekretarya niya.
"Sir, may meeting po kayo before lunch sa Taguig."
Nagkatinginan muna sila magkaibigan bago muling bumaling si Chieve sa empleyado. Tumango siya rito at tumayo.
"Sir, this way please!" wika ng waiter nang pumasok siya sa isang Asian restaurant.
Nauuna itong maglakad kasunod siya. Nagbukas ito ng vip room, big time ang investor na makatatagpo niya ngayon. Sana ay maging maayos ang resulta nito.
Saglit na napakunotnoo si Chieve dahil walang tao sa loob. Narinig niya ang pagsarado ng waiter ng pinto. Sigurado naman siyang may tao na rito baka pumunta lang sa comfort room. May mga pagkain na rin sa ibabaw ng mesa kaya't sigurado siyang nandito na ang ka-meeting.
Umupo siya sa gitnang bangko, inalis ang isang butones ng suit.
"Oh, glad you are here!" malambing na sambit ng babae mula sa likuran.
Lumalim ang gitla sa noo ni Chieve. Pamilyar ang boses na iyon, narinig niya ang heels nitong gumagawa ng ingay sa buong kwarto.
"Mr. Filomeno!" matamis ang ngiti sa labi ni Margarette.
"What the f**k?!" bulalas nito.
"Is that how you great your future investor?" Natatawang tanong niya at umupo sa unahan at katapat nitong silya.
"You're kidding, I'm not buying it so stop this bullshit!" seryosong sambit ni Chieve at hinampas ang ibabaw ng mesa na ikinaalog ng lahat ng nasa ibabaw no'n.
Tumango si Margarette, kinuha ang tinidor at dahan-dahang inikot ang hibla ng pasta na nasa plato.
Pinagmasdan ni Chieve ang babae.
Hindi biro ang pagpipigil niya sa sarili na lapitan, yakapin, at halikan ito. Sa suot na beige silk top at maong na jeans na talagang kumurba sa maliit na bewang at malaking balakang. Nang mapadako ang mga mata niya sa mukha nito ay mas lalo lang siiyang nakadama ng tensyon sa labi nitong pulang-pula.
Nag-angat si Margarette ng tingin at nagtama ang mga mata nila. She give her most tantalizing eyes kasabay ng paghalumbaba. Ilang segundo ang lumipas nang umiwas ito ng tingin, napangisi siya.
"Mr. Filomeno, isa akong investor. I am here to talk about business pero mukhang hindi ka naman kumbinsido na isa talaga akong investor."
"Now, tell me how can i convinced you?" nanunukso niyang tanong.
Nakita ni Margarette ang mabilis na pagtahip ng dibdib nito habang iniiwasan ang mga mata niya. Tumayo siya at nagsimulang maglakad papalapit dito.
Natigilan siya nang mabilis na tumindig si Chieve halos nabuwal ang silya nito. Sa pagkakataon nito ay nagsalubong ang mga mata nila.
Siya naman ang tila napahinto. Matalim man ang tingin nito ay hindi natakpan.ang magagandang mata, ang labi na minsan na niyang natikman. Mala-Greek God ang hitsura nito noon pa man at hanggang ngayon.
"Don't you dare take steps closer to me!" banta ni Chieve.
Alam niyang sa oras na lumapit ito ay dalawa lamang ang puwedeng mangyari.
Masaktan o mahalikan niya ang babaeng ito.
"Don't be scared, I won't bite you Mr. Filomeno!" Natatawang saad ni Margarette at nagsimulang maglakad habang nakatitig ng walang takot sa nagungusap na mata ng dating asawa.
Ngumiti si Chieve at sinalubong ang mga lakad niya. Napasinghap siya nang hapitin siya nito sa bewang. Napadikit ang mga kamay niya sa matigas na dibdib at nararadaman niya ang higpit ng braso nito na nakapalupot sa kaniya.
"Come on, who's scared now?" panunuya nito habang magkaharap ang kanilang mga mukha.
Napatitig si Margarette sa mga mata nito. At ang init at mabangong hininga na humahaplos sa kaniya. Ngunit hindi siya dapat magpaapekto katulad noon. Hindi siya puwedeng magpadala sa katangiang pisikal nito dahil walang patutunguhan ang mga plano niya.
Itinaas niya ang kamay at gamit na hintuturo ay ipinalandas niya sa makinis na pisngi ni Chieve. Hinaluan niya ng mapang-akit na tingin ang mga mata.
"I can tell you that I am not. Pagod na akong matakot, just so you know baby!" usal ni Margarette habang marahang nilalaro ang daliri sa pisngi nito.
Napahawak pa ng mas mahigpit si Chieve sa bewang ng dating asawa habang nagtitiim bagang. Kakaibang pakiramdam ang binubuhay nito sa kaniya. Humahalimuyak ang matamis nitong pabango na parang ayaw na niyang lumayo rito.
Napangisi si Margarette sa tila pananahimik ng dating mister. Alam niya ang mga kahinaan ng mga lalake, konting haplos at lambing ay magiging estatwa na ang mga ito na sasamantalahin niya.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang hintuturo sa labi nito. Napahinto siya nang hawakan at pigilan iyon ni Chieve habang nagdidilim ang mukha at nagtatagisan ang mga panga.
"Don't play with me, you pity!" seryosong wika nito at tinulak siya.
Mabilis na nagbalanse si Margarette para hindi tuluyang matumba. Binalingan niya ng nakasusuyang tingin ang dating asawa.
"Hindi ko alam kung bakit ka pa bumalik pa rito? Bakit hindi ka na lang nagpakasaya kasama iyong amerikanong adik na iyon sa America?! Masyado ng maraming masamang tao rito sa bansa, huwag ka ng dumagdag!" galit na singhal ni Chieve.
Nagpakawala siya ng bahaw na tawa. Hindi ba't siya dapat ang nagsasabi nito? Nakalimutan ba ng lalakeng na ito ang ginawang pang-iiwan sa kaniya noong kailangan-kailangan niya ng isang asawa? Pero mas kailngan niyang kontrolin ang mga rumaragasang emosyon.
Cut the drama, ubos na ang luha niya para sa manloloko na ito. At wala siya rito para umiyak.