Isang misyon lang ang rason kaya siya bumalik.
Ang maghiganti at maghiganti.
"You didn't changed baby!" malambing pa rin na tono ni Margarette habang inaayos ang suot na damit.
"Shut up!" buong lakas na sigaw ni Chieve na umalingawngaw sa loob.
Para naman iyong isang magandang kanta sa tenga niya. Ang marinig itong magalit ay satisfaction para sa kaniya. Alam niyang pareho sila ngayon nababalot ngayon ng poot at galit.
"Miss Margarette!" tensyonadong bulalas ni Luke nang pumasok sa loob at maliksing lumapit sa kaniya.
Ang pagdating naman ng bodyguard niya sa mainit na eksena ay parang isang hangin na umihip sa kaniya-kaniyang nilang galit na nagsisimula ng magbaga.
"Are you okay?" nag-aaalalang tanong ni Luke at hinawakan sa braso ang amo.
Mas lalong dumilim ang mukha ni Chievesa ginawa ng binata. Alalang-alala ito sa babae. Nang tinapunan siya ng masamang tingin nito ay nakipagtagisan din siya.
Tinitigan niya ito habang naglalaro na sa utak kung papaano niya ito bugbugin at dudurugin sa suntok.
"Mr. Filomeno, I am really worried about you. You didn't even looked well. I'll get in touch with you again when you are fine!" Nakangiting sambit ni Margarette.
Nagtungo siya sa bangko, kinuha ang sling bag at sinakbit. Muli siyang humarap dmsa dating asawa na matiim siyang pinagmamasdan. Kaswal siyang ngumiti rito.
"See you around, Mr. Filomeno! Adios!"
Napunit ang ngiti.sa labi ni Marvarette nang makalabas ng pinto. Napalitan iyon ng pagdidilim ng mukha. Seryosong-seryoso ang mukha niya na tinungo ang labasan ng restaurant.
Alam niyang nagsisimula pa lang siyang magbaga.
Nagsisimula pa lang siyang magbaga.
Bagang nasusulsolan pa ng iritasyon at yamot na dulot ng dating minamahal.
Makikita nila ang mala-apoy na galit ni Margarette na kahit ilang balde ng tubig ay hindi maapula.
"Ma, what we will gonnna do?" nababahalang tanong ni Krystal.
Hindi pa man ito tuluyang nakauupo sa isa sa mga silya ng hair and spa salon ni Cynthia.
"Umupo ka nga, walang maiitutilong ang pagpa-panic mo!" saway ng biyenan at pasimple siyang hinatak paupo.
"Ma, ba't hindi ako magpa-panic? Nagbalik si Margarette, nakalimutan niyo na ba ang ginawa natin sa kaniya?"
Kulang na lang sampalin ni Cynthia ang manugang para patahimikin. Lihim na iginala ng matanda ang mga mata sa loob ng sariling shop, naniniguradong walang nakaririnig sa usapan nila.
"Shut up, Krystal! Alam mo, ikaw ang magpapahamak sa atin!"
Lumapit siya rito at agad namang yumuko ang asawa ng anak para marinig ang bulong niya.
"Walang nakaalam sa ginawa natin, tayo lang. Maliwanag? At kung anuman ang nangyari sa impokritang babae na iyon ay deserved niya!"
"Pero mukhang mayaman na rin siya ngayon at talagang palaban. Paano kung bumalik siya para ipakulong tayo at muling bumalik kay Chieve?" kinakabahang saad ni Krystal.
"Tingin mo, babalikan pa siya ng asawa mo? Matapos ang lahat ng itinanim natin sa utak no'n? Galit na galit si Chieve sa kaniya at wala namang magbabago roon kahit na bumalik pa siya!" paninigurado ng ginang at tinapik.ang nanlalamig na kamay ni Krystal.
"Excuse me, Madam!" Lumapit si Hans, ang baklang manager ng salon ni Cynthia.
Agad na umayos sa pagkakaupo ang dalawa para hindi mahalata ang pinag-uusupan.
"May nag-book po nitong buong spa maghapon!"
"Really?!" bulalas ni Cynthia at nilinga ang empleyado.
"Yes po, on the way na raw po sila. Gusto niya rin daw po kayong makilala!"
"Sige, sabihin mo ako mismo ang sasalubong sa kaniya. Mayaman ba iyon? Ano ba ang pangalan?" excited na tanong ni Cynthia at tumayo.
Napailing na lang si Krystal, kilala niya ang biyenan, mukha talaga itong kuwarta. Kahit bilyonaryo na ang mga ito at kung tutuuisin ay hindi na kailangan ng pera. Lahat kasi ng kita ng salon nito ay inilalaan lamang sa sugal na hindi alam ng anak na si Chieve dahil buong akala nito ay matagal ng tumigil ang ina sa pagca-casino.
"Madam, nandiyan na po siya!" Nagmamadaling pumasok at humanay sa among si Cynthia ang baklang manager sa entrada ng salon.
"Thank you, Luke!" sambit ni Margarette nang ipagbukas siya ng bodyguard ng pinto.
"Welco-" hindi na naituloy ng ginang ang pagbati sa pumasok na customer.
Napatindig agad si Krystal sa nasilayan.
Inalis ni Margarette ang suot na retro sunglasses at friendly na ngumiti sa dating biyenan at sa mga nakapila na staff ng salon.
"Margarette!" tila namamanghang bulalas ng ilang staff na naging kaibigan niya noon sa tuwing nagpupunta rito sa salon sa nakalipas na taon.
"Hello, everyone!" natural na gumuhit ang ngiti sa labi niya. Ang mga taong ito ang minsang tumulong sa kaniya sa pang-aalipusta ni Cynthia.
"Ano na namang ginagawa mo rito?!" bayolenteng reaksyon ni Krystal at maliksing lumapit sa kaniya.
Binalingan ni Margarette ng tingin ito. Saglit siyang napatawa nang makita na hindi maipinta ang mukha ng kaaway.
"Oh, dear calm down. I am not here for you. I'm here to visit my ex mother-in-law's salon. Namiss ko kasi ito!" Sinulyapan niya si Cynthia.
"If I know na ikaw ang nagbook nito, ay hindi ko na sana-"
"Ano?! Hindi mo tatanggapin? E 'di wala kang pinansugal!" agap ni Margarette kasabay ng pagtawa at pagpilig ng ulo.
"Bilyonaryo kami, tingin mo kailangan ko ng barya mo?" singhal ni Cynthia habang umuusok sa galit.
"Sige nga, tell me. Anong idadahilan mo sa anak mo sa oras na humingi ka ng pera? Medical check-up? Maintenance mo sa gamot?" kaswal niyang tanong habang kaswal na nakangiti.
Ngumiti ang ilang staff na nakaririnig sa usapan nila. Sunod-sunod siyang tumaltak kasabay ng paghalukipkip.
"Hindi ka nga pala pinaghahawak ng pera ng asawa mo noong nabubuhay pa siya dahil sugalera ka. At ngayon, your son is doing the same thing."
"Impakta ka!" akmang sasampalin siya nito pero agad niyang nahawakan ang kamay at napigilan.
"Impakta? At ikaw? Kung akala ninyo na nandito ako para tanggapin ang lahat ng mga sampal, panghuhusga at p*******t. Well, you are wrong!"
"Hindi niyo na ako masasaktan, instead ako naman ang mananakit sa inyo!" buong galit ngunit nakangiting wika ni Margarette at itinulak ang kamay ni Cynthia dahilan para mapaatras ito sa kinatatayuan.
Sa halip na saluhin ng mga empleyado ay lumayo ang mga ito. Agad na nilapitan ni Krystal ang biyenan at inalalayan.
"You are son of a b***h, Margarette!" hiyaw ni Krystal.
"Yes I am!" kumpirma niya at pinandilatan ng nga mata ang babae.
"You know what guys, I came here to relax kaso nawalan na ako ng gana sa pagsalubong ninyo sa akin magbiyenan. I'll better get going but before that everyone,"
Tinuon ni Margarette ang mga mata sa empleyado. Hindi niya kayang hayaan ang mga taong ito na patuloy na alipustahin ng amo. Tutulungan niya ang mga ito, na walang gumawa sa kaniya noon.
"Sabrina, Maribeth, Mae. May bago akong open na spa. At kung gusto ninyo ng maayos na pagtrato ay puwede kayong mag-apply roon."
"I would love to work with you, beautiful people!"
"Ang kapal talaga ng mukha mo! Harap-harapan mong sinusulot ang mga tao ni Mama-"
"Bakit? Harap-harapan mo rin namang sinulot- Ay, mali pala!"
"Harap-harapan mong inahas ang asawa ko noon!" pag-iiba at bulyaw ni Margarette.
Natahimik si Krystal at nakipagtitigan sa kaniya.