Chapter 4

1081 Words
Naging emosyonal si Julia nang mahawakan na niya ang dalawa niyang anak. Halos hindi siya makapaniwala na magiging nanay na siya. "Ang mga baby ko," lumuluhang usal niya habang pinagsasalitan ang tingin sa kambal niyang supling. Hawak kasi ni Franco ang isa dahil hindi niya pa kayang buhatin ang dalawa dahil sa tahi niya sa tiyan. Maingat niya ring hinaplos ang mamula-mula pang pisngi ng mga anak. Tila nawala rin sa isip niya ang mga bagay tungkol sa biglaang paglitaw ni Franco. Saka niya na lang ito tatanungin kapag maayos na ang lahat. Naging emosyonal din si Rachelle ng makita ang kasiyahan ni Julia. Kaya't minabuti niya na magpaalam na muna kay Julia. "Bes, maiwan na muna namin kayo, ha. Bibili lang kami ng makakain sa labas ng ospital." Agad naman na binaling ni Julia ang paningin kay Rachelle at agad na tumango. At ilang saglit lamang ay tuluyan ng nakalabas sina Rachelle at Marko. Kaya't muling ibinalik ang tingin ni Julia sa isa niya pang anak na hawak ngayon ni Franco. At halos ayaw paawat ang mga luha na pumapatak sa kanyang mga mata sa labis na kasiyahan. "May naisip ka na bang ipapangalan sa kanila?" basag ni Franco sa emosyon na nararamdaman ni Julia. Dahan-dahang inangat ni Julia ang paningin sa katabing lalaki. Marami pa siyang mga katanungan na gustong malaman dito, pero isinantabi niya na muna iyon. Nais niya munang ituon ang atensyon niya sa kambal niya. "Wala pa nga, e. Nawala rin kasi sa isip ko na bigyan na agad sila ng pangalan kahit nasa loob pa lang sila ng tiyan ko," wika nito habang bahagyang hinahaplos ang mamula-mulang pisngi ng kargang anak. Ilang sandali pa ay napangiti siya ng mapagtanto niya na kamukha ng Ama nila ang kambal. Pero hindi niya iyon ipinahalata kay Franco. Medyo nahihiya pa rin kasi siya rito dahil sa kapahangasan niya nung gabing iyon. Ilang saglit pa ay nakita ni Julia na hinalikan ni Franco ang baby niya sa pisngi na animo'y isang Ama na nasasabik sa Anak. At sa hindi niya maipaliwanag ay bigla siyang nakaramdam na ng kakaibang saya at kilig. Hindi pa rin kasi nagbabago ang itsura ni Franco mula noong gabi na magtagpo ang mga landas nila. Ilang saglit pa ay muling nagsalita sa Franco. "Froilan. Tama, Froilan Fabregas." Matapos niyang sabihin iyon ay muli niyang hinalikan ang Anak. Nanlaki ang mga mata ni Julia dahil sa narinig kay Franco. Tila biglang kinabog ng malakas ang dibdib niya sa hindi niya maipaliwanag. "F-Fabregas? B-bakit, Fabregas? 'W-'wag mong sabihing iyon ang—" Hindi na natapos ni Julia ang sasabihin niya dahil biglang sumabat si Franco. "Hindi ka pwedeng tumanggi, Julia Manaog! Baka nakakalimutan mo, may atraso ka pa sa 'kin. At maniningil pa ako!" seryosong pagkakasabi nito at inilapit ang mukha kay Julia na may nakakalokong ngiti. Napatigalgal si Julia mula sa sinabi ni Franco. At lalo pa itong nadagdagan dahil halos magdikit na ang kanilang mga matatangos na ilong. Kaya't pakiramdam niya ay tila biglang uminit ang pakiramdam niya kahit malakas ang aircon sa paligid. "A-atraso? M-maniningil?" nauutal-utal niyang usal dahil sa kakaibang sensasyon na bumabalot sa kanya. Muling ngumiti ng nakakaloko si Franco bago inilayo ang mukha kay Julia. Pagkatapos ay muli siyang nagsalita para maiba ang topic nilang dalawa. Halatang-halata niya kasi ang pagkagulat sa mukha ni Julia kaya muli na naman siyang natawa na may pagkapilyo. "Ikaw naman ang magbigay ng pangalan sa kanya," pag-iiba nito ng linya at ibinaling ang paningin sa isa pa nilang anak na kalong ni Julia. Hinaplos niya rin ang mukha ng baby na mahimbing pa rin ang tulog. "Francis. Francis Fabregas," usal ni Julia na may ngiti sa labi. "Froilan at Francis Fabregas, kay gandang pangalan," nakangiting usal din ni Franco. *********** Matapos ang pag-uusap nilang iyon ay dumating na ang mga magulang ni Julia. Mabuti na lang at hindi nila naabutan si Franco. Hindi pa kasi alam ni Julia kung paano niya ipapaliwanag sa mga magulang ang tungkol kay Franco. Hindi man sabihin ng kanyang Ama na galit ito sa Ama ng anak niya, pero ramdam niya iyon. At baka pag-nagkataon ay magkagulo. Ang alam kasi ng mga magulang niya ay niloko lamang siya ng Ama ng mga anak niya. Hindi niya sinabi ang totoong nangyari sa kanila ni Franco. Buong akala niya kasi ay hindi na rin naman magtatagpo ang landas nila dahil malayo na siya sa Bulacan. Isa pa, wala na rin naman siyang balak na bumalik doon. Kaya minabuti niya na ibaon na lang sana sa limot ang lahat. Subalit sa muli nilang pagtatagpo ay tila may kung anong saya na hindi niya maipaliwanag. Lalo na nang maalala niya ang mga katagang binitawan ni Franco noong gabing pakikipagsiping niya. "Marry me!" Napaisip siya habang nakatingin sa natutulog niyang kambal na nasa tabi niya. "Iyon pa rin kaya ang gusto niya hanggang ngayon? Paano kung hindi na?" napalunok siya ng laway ng maramdaman niya ang panunuyo nito. Natatakot siya na baka hindi na iyon ang nais ng Ama ng mga anak niya. "Dapat na ba akong magsisi dahil sa ginawa ko? Kung sinunod ko ba ang gusto niya noon, masaya kaya kami ngayon?" Napatingin siya sa pinto na may bahagyang pagkagulat dahil sa pagbukas at pagsarado nito. Tumambad sa kanya ang isang makisig na lalaki na ubod ng guwapo dahil sa suot nitong kulay itim na v-neck na hapit sa kanya. Bagay na bagay din ang suot nitong pantalon na kulay dark gray na may six pocket. May dala itong isang bouquet na kulay pulang bulaklak. Kaya halos lumuwa na naman ang mga mata niya sa kilig na nararamdaman. Tila ba, parang naaakit siya kapag nakikita niya ang guwapong mukha ni Franco. "Good morning," bati nito sa kanya. Ilang saglit pa ay lumapit na ito at inabot ang isang bouquet na bulaklak. "Salamat," maikling usal niya. Pagkatapos ay inamoy na may ngiti sa labi ang bulaklak na dala ni Franco. Subalit agad ring nabawi ang kilig niya dahil sa mga iniisip niya kanina bago pumasok si Franko. "Naku, Julia! Maghunos dili ka sa nararamdaman mo! Baka nakakalimutan mo, siyam na buwan na ang nakakalipas mula ng takasan mo siya! Baka mamaya may pinakasalan na 'yang iba, at paasahin ka lang!" bulong niya at bahagyang gumuhit ang lungkot sa kanyang mga mata. Agad niyang binaling ang paningin kay Franco habang nilalaro ang natutulog nilang anak. "Paano nga kung totoo ang mga iniisip ko?" Isang malakas na buntonghininga ang pinakawalan niya habang nakatingin sa mag-aama niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD