"Rose, sa Jeboy's na lang natin ipagpatuloy ito. Gutom na ako." Gabbie fixed his things and stood up.
Gusto ko sanang umangal kaso tinatamad akong magsalita kaya inayos ko na lang din ang mga gamit ko at tumayo na.
Mayroon kaming activity sa isang subject at si Gabbie ang ka-partner ko. We're not close as a friend pero okay naman siya kagrupo. Hindi katulad noong iba kong mga ka-blockmates na wala na ngang ambag sa mga gawain, nagrereklamo pa. Akala mo kung sinong matatalino, pabigat din naman.
"Ikaw? Kakain ka ba?" tanong niya habang naglalakad kami pababa ng CBMA building.
Sinulyapan ko ang aking wristwatch bago sumagot. "Puwede rin. Libre mo ba?" pagbibiro ko na hindi ko naman aakalain na seseryosohin niya.
"Oh sige, wala namang problema 'yon," he said, smiling. "Basta ikaw ang tatapos nitong ginagawa nating presentation."
"Alam mo Gabbie, may pera naman ako at binibiro lang kita. KKB na lang tayo." Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makalabas kami ng campus.
Medyo kinabahan pa ako dahil sa second gate kami dumaan which means madadaanan namin ang Engineering Building. Mabuti na lamang ay hindi ko nakita si Luke na pakalat-kalat sa labas ng building nila.
Simula kasi noong magsimula na muli ang second semester ay iniwasan ko nang makarinig ng kahit anong balita tungkol sa kaniya. It's been months since we parted ways. Ang unfair lang sa part ko na siya ay nakamove-on samantalang ako ay hindi pa rin umuusad. Aaminin ko naman noong mga nagdaang buwan ay umaasa pa rin akong baka babalik siya o susubukan niya muling mag-reach out sa akin pero tangina, hindi eh. Akala ko lamang pala 'yon.
Kaya ngayon, kahit paunti-unti, uusad ako.
Nang makarating kami sa Jeboy's ay agad akong umupo sa pang-dalawahang table. Si Gabbie na ang umorder para sa 'kin. Inilabas ko ang laptop niya at libro. Pinagpatuloy kong muli ang pagta-type. Plano kasi naming tapusin ang presentation ngayon para mabawasan na kaagad ang mga tambak naming gawain.
Matapos umorder ni Gabbie ay umupo na siya sa bakanteng upuan sa harapan ko. Habang hinihintay ang order ay matahimik naming tinapos ang aming ginagawa. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na si Kuya Tolits upang ihatid ang order sa amin. Habang kumakain ay panay ang kwentuhan namin ni Gabbie tungkol sa mga nakakatawang pangyayari sa classroom namin.
"Tandang tanda ko pa no'ng first year. Grabe! Halos iyakan ko na yo'ng score ko sa Accounting tapos noong in-announce ni Ma'am na walang pumasa sa atin, nabuhayan ako ng mga dugo." Gabbie laughed.
"Isang beses lang yata ako pumasa sa subject na 'yon, eh. Pastilan!" saad ko, tumatawa rin.
"At saka alam mo ba..."
Hindi ko na nasundan ang mga sinasabi ni Gabbie nang hindi ko sinasadyang mapatingin sa pinto ng Jeboy's. Dumagundong ang dibdib ko sa kaba nang makita si Luke kasama ang mga kaklase niya na papasok sa loob nitong restaurant. Ito ang unang beses kong makita siyang muli simula no'ng magsimula ang second semester. Tatlo silang lalaki at may kasama rin silang dalawang babae. Ang isa roon ay inaakbayan niya habang nakalingkis ang mga braso noong babae sa kaniyang baywang.
They were laughing so hard. Para bang narinig na nila ang pinaka-nakakatawang joke sa buong mundo sa sobrang saya nilang dalawa.
Napaayos ako nang upo at humigpit ang hawak ko sa kutsara't tinidor. Bumilis ang aking paghinga sa sobrang inis.
Kalma, Rose. Kalma ka lang. Great pretender ka, di 'ba? So, pretend you didn't saw him. I reminded myself.
Gabbie snapped his fingers at me while his forehead knotted. "Okay ka lang, Rose? You looked pissed. Did I say something wrong?"
I immediately shook my head and smiled sweetly. "No, no. M-Medyo naiinis lang ako rito sa Chicken Fillet, a-ang tigas kasi." pagdadahilan ko.
Mula sa peripheral vision ay tanaw ko ang pagpasok nina Luke. His gaze went at me that made his smile faded. Gusto kong tumawa nang malakas dahil pasimple niyang inalis ang pagkakaakbay niya roon sa kaklase niyang babae at bahagya pang lumayo. Nagpanggap akong hindi siya napapansin at mas lalo ko pang nilawakan ang ngiti kay Gabbie.
"Are you sure you're okay? You looked weird," Gabbie chuckled.
I couldn't stop myself from raising my brows when Luke and his friends sat beside our table. Hindi pa rin inaalis ni Luke ang matalim niyang titig sa akin. Papalit-palit iyon sa akin at kay Gabbie.
"Luke, anong order mo?" dinig kong tanong sa kaniya noong babaeng kaakbay niya kanina.
"Uhm, chicken fillet din," he said, still looking at me.
"Din?" naguguluhang tanong noong babae.
He snapped back to reality. Awang ang labi niyang umangat ang tingin doon sa babaeng nakatayo at nag-aabang ng kaniyang sagot.
Umiling na lamang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Pansin na pansin ko ang mga pagbabago sa kaniya. Mula sa pisikal na anyo hanggang sa kaniyang pag-uugali pero para sa akin may dalawang bagay na sa tingin ko'y kahit kailan ay hindi magbabago sa kaniya.
Walang iba kundi ang kaniyang inosenteng mata at boses.
"Kukuha lang akong tissue." Gabbie stood up.
Tumingala ako sa kaniya at pinigilan siya. "A-Ako na, Gabbie."
"Oh? Sige. Ikuha mo na rin ako ng tubig. Thanks babe!" he said and gave me a wink.
"Gago," I mouthed.
Tumawa lamang siya. "You'll thank me later."
Hindi ko naintindihan ang sinasabi niya kaya tumalikod na ako at naglakad patungo sa counter. Sinalubong ako ni Tolits nang may makahulugang ngisi sa labi. I rolled my eyes heavenwards. Kaya hindi nagkaka-jowa eh, masyadong mapang-asar. Akala mo kina-cute niya iyon.
"Muling ibalik ang tamis-"
"Sige ituloy mo. Tatapyasin ko 'yang malaki mong nunal sa ilong!" pagbabanta ko.
"Ang tamis ng kamatis..." patuloy niya sa pagkanta at nagpeace sign sa akin.
I shook my head. "Pahinging tissue."
"Yes, Ma'am!" aniya at mabilis na pumasok sa kusina.
Nakatukod ang mga braso ko sa countertop habang hinihintay siyang bumalik. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Mula sa matamis na amoy nang kaniyang perfume ay hinding hindi ako puwedeng magkamali. Nakapatong din ang dalawa niyang braso sa countertop habang nakatingin sa menu. Ewan ko ba kung nagkataon o sinadya talagang lakasan yo'ng music at 'I want you back' pa talaga ni Matthaios ang kanta. Parang mga tanga.
"W-Wala si Kuya Tolits?" tanong sa akin ni Luke at bahagya akong sinulyapan.
Umirap akong muli sa kawalan upang itago ang nararamdaman kong kaba at pangangatog ng tuhod. "May nakikita ka bang Tolits sa harapan mo?"
He looked shocked with my answer. Awang ang mga labi niyang tumingin sa akin. "Bakit ka galit? Inaano kita?"
Natutop ko na lamang ang aking bibig at hindi na siya sinagot. Oo nga naman, bakit nga ba ako galit eh ang ayos naman ng tanong niya? Basta, hindi ko alam! Naiirita ako.
"Uhm, boyfriend mo?" tanong na naman niya.
My forehead knotted at him. "Huh?"
Tinitigan niya ang mga mata ko at ngumuso na parang bata. "Tinatanong ko kung boyfriend mo ba iyong kasama mo?" Aba ang tibay inulit pa nga.
"Eh ano naman ngayon sa 'yo?"
"I heard he called you babe so..."
My brows shot up then smiled broadly. Humalumbaba ako at hinarap ang sarili sa kaniya. "Eh ikaw, girlfriend mo ba yo'ng kasama mo?"
His eyes widened and shook his hands in front of me. "H-Hindi ah! Ikaw lang ang girlfriend-I-I mean, ikaw pa lang ang naging girlfriend ko!"
Tumawa na lamang ako dahilan upang malukot ang kaniyang mukha. Dumating na si Tolits na may nakaplaster na malawak na ngiti sa aming dalawa, dala ang tissue at inabot iyon sa akin.
"Sorry, natagalan." ani Tolits. "Ikaw Luke? Anong kailangan mo?"
"Rice pa po," Luke answered Tolits and looked at me again.
Hindi ko na siya pinansin pa at bumalik na lamang sa upuan ko. Tapos na kaming kumain kaya tumayo na kami para umalis. Hindi pa kami tuluyang nakakalabas nang marinig kong magsalita si Luke dahilan para magsigawan ang mga kaibigan niya.
"Ingat, love," aniya na halata namang nang-aasar lang.
Tangina mo to the nth power, Luke Abaricia.
"Comeback na 'yan!" sigawan noong mga lalaki niyang kaibigan pati ni Tolits.
Nagpupuyos ang dibdib ko sa inis kaya binilisan ko ang hakbang ko paalis sa lintek na lugar na iyon. Tangina naman, kakasabi ko lamang na magmo-move on na ako eh. Huwag kang marupok, Rose. Tanga tanga mo. Ayan ka na naman, eh.