I was dead. Emotionally dead to be specific. But then, I still continued my life. Kahit mahirap. Kahit nakakalungkot. Mahaba-haba na rin ang mga pinagsamahan naming dalawa ni Luke. Ayaw ko man siyang i-let go, wala eh, kailangan kong gawin.
We've never crossed paths again. Pilit kong iniwasan ang mga lugar na kung saan alam kong magkru-krus ang landas namin sa loob ng campus ngunit mayroon talagang mga pagkakataon na hindi maiiwasan na magtagpo kaming dalawa pero dahil nga ako 'to, si Rosemarie, the great pretender, nagpapanggap na lamang ako na hindi ko siya nakikita.
He overcame his weakness. He had joined pageants for Mr. and Ms. LSPU-SCC and guess what? He won. Natuto siyang makisama at makibagay sa iba't ibang tao sa paligid niya. Dumami ang circle of friends niya and I also heard that mayroon na rin siyang naging mga girlfriends pa at nililigawan ngayon. Wala pa yatang dalawang buwan simula nang maghiwalay kaming dalawa.
Minsan ay hindi ko maiwasang masaktan dahil tangina, bakit ganoon? Bakit parang napakadali lamang sa kaniya ang makalimutan ako? Habang ako ay heto, walang segundo na hindi siya naisip.
Ang daya...pero ayos lang. Ayos lang dahil nakikita ko naman siyang masaya. Nawala man ako sa buhay niya, marami naman siyang nakilala na tiyak kong mas lalong makakapagpasaya sa kaniya.
"Anong plano mo sa darating na sembreak?" tanong ni Bluie sa 'kin.
Natigilan ako sa pagkain at pinagtaasan siya nang kilay.
"Hindi ko sasabihin sa 'yo. Baka mamaya gayahin mo pa ako," I answered.
She just frowned and shook her head. Wala talaga 'to kwenta kausap. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit at paano tinamaan si Miguel sa babaeng ito. May pagkukunwari pang nabangga itong kaibigan ko para lang makapagpapansin. Mabuti na lamang at mukhang hindi interesado sa kaniya itong si Bluie.
"So ano ngang plano mo sa sembreak? Mag-open ka naman sa'min." pangungulit din ni Thanika.
Madalang na lamang kaming magkasama-sama dahil abala na kami sa mga kaniya-kaniyang gawain. Kagaya ko, I am having a hard time with Financial Management, Strategic Management and even in Market Research. I really liked my course since I really want to be a boss but as the time goes by, I am slowly losing my interest in it.
"Oo nga. Huwag mong sabihin sa amin na magpapakababad ka na naman sa pagtra-trabaho? Naku, Rose," Joan looked at me with her suspicious eyes.
Ngumiwi ako at iniling ang aking ulo. "Uuwi akong Paete."
Tila mayroong dumaang anghel sa sobrang tahimik. Maging sina Miguel na abala sa paglalaro ng playstation ay natigilan din at hindi makapaniwalang tumitig sa akin. Na para bang isang napakalaking himala na nagbigay liwanag sa buhay nila iyong tatlong katagang binitawan ko. Ganoon ka-OA ang reaksyon nila.
"Ano?" irita kong untag sa kanila.
"U-Uuwi kang Paete?" pag-uulit ni Allen kaya binato ko siya nang mansanas na hawak ko ngunit naiwasan niya iyon at sa kasamaang palad ay tumama kay Damian na nananahimik sa isang tabi.
Napatingin ito sa akin habang sapo ang noo na tinamaan ng mansanas. I just pursed my lips and rolled my eyes at him.
Josh awkwardly laughed.
"Ako? Magwo-work ako sa buong sembreak tapos uuwi kami sa Bicol sa Pasko," saad niya.
"Mamatay na nagtanong," pamimilosopo ko.
"Tss, mamatay na pilosopo," aniya.
Akmang babatuhin ko ulit siya ng pitsel nang ituro niya si Damian na nakatingin pa rin sa akin. I pursed my lips again and looked away. We're not in good terms since the kiss happened.
Buo na rin talaga ang desisyon kong umuwi sa Paete. Gusto kong malaman kung ano na ang kalagayan nila roon simula noong mawalan ng trabaho ang tatay ko. Kaya ng sumapit ang unang araw ng sembreak ay hindi pa sumisikat ang araw ay umalis na ako. Hindi na ako nakapagpaalam pa kila Bluie dahil tulog pa sila.
Isang oras din ang tinagal ng biyahe papuntang Paete. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko habang papalapit ako ng papalapit sa aming bahay. Panay ang kaway at pagbati ko sa mga kilalang kapitbahay pati na rin sa mga batang pinipikon ko dati.
Abot tainga ang ngiti ko sa labi kahit na hindi ko alam ang sasalubong sa akin kapag nakita ako ng tatay at magaling niyang asawa. Nakasalubong ko pa si Aling Vicky na nakatira sa katabing bahay lamang namin. Naniningkit ang mga mata nito na para bang kinikilala ako.
"Marie? Ikaw ba 'yan?" tumigil siya sa harapan ko at sinuri ako mula ulo hanggang paa.
Si Aling Vicky ay nasa 50's na. Siya ang madalas mag-alaga sa akin noon kapag umaalis ang mga magulang ko para magtrabaho. Mabait siya, maalaga at sinasabayan ang mga trip ko. Sa totoo nga ay pangalawang ina na ang turing ko sa kaniya.
I laughed and nodded. "What's up, Aling Vicky?! Yo'ng anak niyo po nahulog sa kanal."
"Loka-loka ka pa rin talaga." She hit my arms lightly. "Ano nga palang ginagawa mo rito? Ang tagal kitang hindi nakita, ah."
I shrugged my shoulders. "Busy ho sa pagpapayaman, eh. Ngayon ko lang ho ulit naisipang umuwi para bisitahin sina Papa. Nandiyan po ba siya?" Masayang tanong ko.
Ang kaninang maaliwalas nitong mukha at malaking ngiti sa labi ay unti-unting naglaho. Sinubukan niyang ibuka ang kaniyang bibig na tila ba mayroon siyang gustong sabihin ngunit hindi niya magawa at nagdadalawang-isip.
"Aling Vicky, bakit po? May problema ho ba?"
I tried to act calm kahit sa loob loob ko ay sumisibol na ang kaba. What if something happened to my father? Hindi ko 'yon kakayanin. Oo nga't nagtatampo ako sa kanila pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ko na sila mahal at hindi na ako nag-aalala.
"K-Kasi a-ano..." she stuttered that made my forehead creased. "Mahigit isang buwan na rin simula noong umalis sila r'yan. Ang balita ko ay roon na sila maninirahan sa probinsya kung saan talaga nagmula iyong kaniyang bagong asawa."
My world fell apart after hearing those words. Nakaawang lamang ang labi ko habang nakatitig sa kawalan. Marami pang sinabi si Aling Vicky ngunit hindi ko na iyon nasundan pa. Blangko ang utak ko habang nakatitig sa dati naming masayang tahanan na ngayo'y mayroon ng ibang pamilyang nakatira.
Habang nasa biyahe pabalik sa Sta. Cruz ay hindi ko maiwasang maiyak. Para bang ngayon lang nagsi-sink in sa akin ang lahat ng bagay. Wala na akong pamilya. Wala na rin si Luke. Pinaghalo-halong lungkot, sakit at pagod ang nararamdaman ko ngayon.
Pinaglihi ba ako sa kamalasan?
O di kaya'y masama ang ugali ko noong past life ko?
Hindi ko alam. Wala akong ideya kung bakit nangyayari sa akin ang lahat ng ito. I won't asked God why this is happening. Instead, pinagdasal ko na sana ay bigyan niya ako ng lakas upang harapin ang lahat ng mga pinagdadaanan at pagdadaanan ko. I trust Him. I trust whatever His plan is.
Alam kong kaya ko ito. Kakayanin ko ito at sinisiguro kong walang problema na hindi ko kakayanin. Kahit magsabay-sabay pa kayong mga kingina niyo, haharapin ko kayong lahat with open arms.
Nang makabalik sa Sta. Cruz ay bigla ko na lamang naisip na sumama kay Bluie pauwi ng Lucban. Mabuti na lamang ay mas nauna pa akong makarating sa kaniya sa terminal. Medyo naiilang pa nga ako kasi hindi ko ine-expect na ihahatid pala siya ni Markcus. Hindi ako makatingin ng ayos sa kaniya pero nagawa kong umaktong natural kahit sa kaloob-looban ko ay gusto ko na siyang tanungin about kay Luke.
He's Luke's cousin. Mother side, I guess.
May pagdududa at pagtataka ang mga mat ani Bluie habang nakatingin sa 'kin. I was expecting her to bombard me with so many questions but she didn't. Nakikita kong marami siyang gustong itanong ngunit pinigilan niya ang kaniyang sarili. Knowing her, never siyang magtatanong. Hihintayin ka niyang magsabi at buong puso siyang makikinig sa 'yo. She respects everyone's privacy so much.
At alam niyo ba na totoo nga ang kasabihang, "there's a rainbow always after the rain." dahil nang makilala ko ang mga magulang ni Bluie ay nabigyan ako ng pag-asa. They accepted me wholeheartedly. Trinato nila ako na parang tunay na anak. Hinayaan nila akong magtrabaho sa kanilang souvenir shop sa Kamay Ni Hesus...and exactly at Christmas Day, sinabi sa akin ng mga magulang ni Bluie na willing silang pag-aralin ako hanggang sa matapos ko ang kolehiyo. Na simula noong araw na iyon ay sila na ang pamilya ko.
And of course, I said yes. Iyon na ang pinakamagandang regalo na natanggap ko. I know Bluie envy me for having a lot of friends but she didn't know that I also envy her for having a complete and happy family.
Gusto ko na sana ay magkaroon din ako ng pamilyang kagaya noong sa kanila. Inggit na inggit ako sa tuwing may nakikita akong masaya at buong pamilya. Iniisip ko...ano kayang pakiramdam na mayroon kang nanay na mag-aalaga sa 'yo at mayroon kang tatay na pro-protekta sa 'yo? Gusto kong malaman but I realized that... it's truly indeed that God does not give you what you want but God always give you what you need.
Hindi lamang pala sa pamilya mararamdaman iyong ganoong klaseng saya, puwede mo rin iyong maramdaman sa mga tao sa paligid mo. Those who people who loves you, cares for you and protects you...they are your family.
"Merry Christmas sa inyo mga anak! Magpahinga na kayo," Nanay Minerva said.
Humikab ako at tumango. Alas tres na ng madaling araw kaya inaantok na talaga ako. Sinimpan muna namin ni Bluie ang mga kalat at mga pinggang pinagkainan bago pumasok sa kwarto. Nauna ng maligo si Bluie at habang hinihintay siyang matapos ay umupo muna ako sa kama.
Biglang pumasok sa isip ko si Luke. Ano kayang ginagawa niya? Paano niya kaya pinagdiwang ang Pasko? Sino kayang kasama niya? Masaya kaya siya ngayon?
I let out a deep sigh.
Gusto kong malaman pero alam kong imposible.
"Tapos na 'ko," Bluie entered the room again.
Tiningnan ko lamang siya at tumango. Akmang lalabas na ako ng kwarto ng biglang tumunog ang cellphone ko. I took it out from my pocket.
My forehead knotted when an unfamiliar number appeared in the screen.
"Merry Christmas."
Babalewalain ko na sana iyon dahil hindi ko naman kilala nang makatanggap na naman ako ng kasunod pang mensahe. Nang mabasa ko iyon ay naging mas triple pa ang kunot ng aking noo.
"9x – 7i > 3 (3x – 7u)
9x -7i > 9x -21u
- 7i > 21u
7i
I
Ilang saglit ko pang tinitigan iyon at pilit inintindi ngunit hindi ko talaga maintindihan.
Nanggigigil akong nagtipa ng reply.
"Tangina sinasabi mo r'yan? Gago." I hit the send button and blocked his number.