Chapter 13

1864 Words
Nakatulala lamang ako noong umagang iyon. Pinag-iisipan ko kung ano ba ang dapat kong gawin. Sa totoo lang, ayos lamang naman sa 'kin kung ako lamang ang dehado rito. Kaya kong tanggapin 'yon kaso hindi, eh. Ang hindi ko inaasahan ay iyong madadamay ang tatay ko na nananahimik at malayo sa akin. Nang buksan ko ang mensaheng pinadala niya sa akin ay gumuho ang mundo ko. "Nawalan ako ng trabaho nang dahil sa 'yo. Nang dahil sa kalandian mo. Pinatanggal ako sa trabaho ng asawa noong dating Mayor diyan. Kung miserable ang buhay mo kung nasaan ka man ngayon, pakiusap Rosemarie, huwag mo akong idamay. May pamilya akong binubuhay. Ilugar mo 'yang kalandian mo palibhasa manang mana ka riyan sa Mama mo." Iyon ang nilalaman ng kaniyang mensahe. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit pinapatayan niya lamang ako. Panay rin ang tunog ng cellphone ko dahil sa mga text at tawag ng mga kaibigan namin pati na rin ni Luke ngunit kahit isa ay wala akong sinagot. Nadamay din ang kaibigan kong si Damian na wala namang ibang ginawa kundi tulungan ako at ang pinakamasaklap, nawalan pa ako ng trabaho. Iyon ang pinakamahalaga para sa akin, eh. Kaya ako nakakausad sa araw-araw ay dahil iyon sa pagtra-trabaho ko pero ngayon, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin pa. Tinigil ko ang pag-iisip at bumangon sa kama. Nang umagang iyon ay umakto akong parang natural lamang ang lahat. Ang mga magulang, kapatid at mismong si Damian ay binabantayan at sinusuri ang bawat kilos at galaw ko. "Tita, Tito, alis na po ako." I flashed a wide smile in my face. Just like a typical Rose on her typical days. Nagkatinginan silang lahat bago sumagot. "Kumain ka muna," alok sa akin noong nanay ni Damian ngunit agad ko iyong tinanggihan. "Hindi na po. Kailangan ko na rin pong gumayak kasi may pasok pa ako. Sa campus na lang po ako kakain," Ilang beses pa nila akong kinumbinsi pero sa huli ay wala na rin silang nagawa. Damian stood up and wiped his lips. He then looked at me and gave me a small smile. "Sabay na tayo," aniya. Sa paraan ng pagngiti niyang iyon ay tila nabawasan ng kaunti ang bigat ng nararamdaman ko. Hindi man ako sinuwerte pagdating sa pamilya, maswerte naman ako pagdating sa mga kaibigan at sa ibang taong nakapalibot sa akin. Wala kaming imikan ni Damian hanggang sa maihatid niya 'ko sa dorm. Bumaba ako sa kaniyang motor at nagpasalamat. Tumalikod ako at akmang papasok na sa loob ng dorm nang tawagin niya ang pangalan ko. "Rose," Unti-unti akong lumingon sa kaniya at pinagtaasan siya ng kilay. Ngayon ay nakasandal na siya sa kaniyang motor habang magkakrus ang mga braso sa dibdib. His face remained stoic as he stared at me deeply but still, his eyes were expressing care and tenderness over me. "Kaya mo pa ba?" I faked a laugh. "Kaya ko lahat, Dammy. Anong tingin mo sa 'kin, mahina?" He pursed his lips and nodded slowly. "Ako ang sasalo sa mga problema mo kung sakaling hindi mo na kaya." he gave me a weak smile and his gaze went to my back. Lumingon din ako roon at nakita si Bluie na palabas ng gate. Papasok na yata. Nakakunot ang kaniyang noo habang humahakbang papalapit sa akin. "Wala kang pasok?" nagtataka niyang tanong. Nagkatinginan muna kami ni Damian bago ako sumagot sa kaniya. "Mayroon. M-May pinag-uusapan lang kami pero gagayak na rin ako," Tumango siya at nagpaalam na sa akin. "She doesn't have any idea about what's happening to you?" Damian asked and I shook my head. "Wala 'yang pakialam sa mundo." I laughed. Hindi na rin siya nagtagal at kapagkuwan ay nagpaalam na. Gumayak ako at pumasok sa campus na para bang walang nangyayari. Kahit panay ang pagtingin sa akin ng ilang mga estudyante ay binalewala ko na lamang iyon. Kilala kasi si Damian sa buong campus dahil player ito ng basketball. Kahit kailan ay wala pang nabalita na nagkaroon siya ng girlfriend kaya siguro ngayon na nagka-issue kaming dalawa ay sobrang bini-bigdeal iyon ng iba. Pinagpatuloy ko ang buhay ko kahit na rinding rindi na ang tainga ko sa mga tanong na ibinabato sa akin ng mga kaibigan, ilan kong kakilala at ibang tao na nakakaalam sa relasyon namin ni Luke. "Huy, Rosas. Totoo bang nagchi-cheat ka kay Luke?" tanong noong isa kong kaklase pagdating na pagdating ko sa room. I rolled my eyes and faced him. "Kapag sinagot ko ba 'yang tanong mo, gaganda ang buhay mo at makakatulog ka ng mahimbing sa gabi?" Natahimik siya at nagtawanan ang mga kaklase kong nakarinig. Si Joana ay napapailing na lamang habang nakasunod sa akin. Tinanong din niya ako kung ano bang nangyayari pero ni kahit isang matinong sagot ay wala siyang nakuha sa 'kin. Simula noong kausapin ako ng Mommy niya ay hindi na muna ako nagparamdam kay Luke Kahit isa sa mga text at tawag niya ay wala akong sinagot. Alam ko namang wala siyang kasalanan sa nangyayari pero... "Rose, may naghahanap sa 'yo sa baba," Nez said. Kakauwi pa lamang niya galing school habang ako naman ay nakahiga sa kama at nagce-cellphone. Bumangon ako at kinunotan siya ng noo. "Sino?" May kahulugan itong tumitig at nagkibit balikat. Sa hilatsa ng kaniyang mukha ay alam ko na kaagad kung sino ang tinutukoy niya. I sighed. "Sabihin mo wala ako rito." Tumango si Nez at muling bumaba. Si Bluie naman ay nakatitig na naman sa akin at bakas ang pagtataka sa mukha pero hindi naman siya nagtatanong. Nang pandilatan ko siya ng mga mata ay agad din siyang bumalik sa kaniyang ginagawa. Sa mga sumunod pang araw ay ganoon pa rin ang ginagawa ko. Pilit kong iniiwasan si Luke kahit na kayang kaya ko naman siyang harapin. Madalas itong mag-abang sa labas ng dorm, sa may main gate, sa labas ng classroom at kung saan-saan pa hanggang sa umabot na ng linggo ang ganoong scenario. "Love, hindi naman ako naniniwala roon sa issue. Hindi rin po ako galit sa 'yo kaya sana kausapin mo na 'ko. ☹" Nakatitig lamang ako sa bagong mensaheng pinadala na naman ni Luke. Sabado ngayon at kasalukuyan kong kasama si Miguel at Damian, tinutulungan nila akong maghanap ng panibagong part-time job na maaari kong pasukan. Inakbayan ako ni Miguel at nakisilip din siya sa cellphone ko kaya agad ko siyang tinulak palayo. "Chismoso mo 'no?" Ngumuso siya at sinimangutan ako. "Ang sungit mo 'no? Bakit kasi hindi mo pa kausapin 'yang boyfriend mo? Pati kami kinukulit na rin, eh." "Oo nga. Ano bang plano mo riyan? Kung ipaglalaban mo, edi ipaglaban mo pero kung sa tingin mo na kailangan niyo munang tapusin 'yang relasyon na mayroon kayo, edi tapusin mo na kaagad. Huwag mo nang paghintayin at gawing tanga pa yo'ng tao kung mauuwi rin pala sa wala yo'ng paghihintay niya sa'yo," sabat ni Damian. Tila isang malaking sampal sa akin iyong sinabi ni Damian. Tama siya, hindi ko na dapat pang pinagmumukhang tanga si Luke pero hirap na hirap akong magdesisyon, eh. Mahal ko yo'ng tao at kung kaya ko siyang ipaglaban gagawin ko...pero hindi pa ngayon. Ang hirap lumaban ng wala kang kahit anong armas at hindi ko rin kayang lumaban para sa isang tao lalo na't kung ang kapalit nito ay paghihirap din ng mga tao sa paligid ko. "Puwede mo 'kong gamitin, Rose. Para saan pa't naging magkaibigan tayo? Basta ilakad mo 'ko roon sa ka-dormmate mo? Ano ngang pangalan 'non? Bluie?" ani Miguel. "Salamat na lang pero hindi na kailangan. Sa babaero mong 'yan, alam kong paglalaruan mol ang din yo'ng kaibigan kong iyon kaya manahimik ka riyan," "Tss, bakit ikaw pa Miguel? Kung puwede namang ako? Tutal kami namang dalawa yo'ng nai-issue rito." sabi naman ni Damian kay Miguel. Umikot ang mga mata ko dahil sa kakulitan nilang dalawa. Hanggang sa magdesisyon kaming umuwi ay panay pa rin ang pagtatalo nilang dalawa. Mabuti na lamang at nang maihatid nila ako sa dorm ay nauna na ring umalis si Miguel. Naiwan kaming dalawa ni Damian dito sa labas. "Anong plano mo? Makikipaghiwalay ka na?" maingat niyang tanong at dahan-dahan akong tumango. "Ayaw ko mang gawin kaso natatakot ako sa puwede pang gawin noong Mommy niya," nanghihina kong tugon habang ang mga mata ay nakapako lamang sa sahig. "I'll help you," he answered back ngunit ang mga titig nito ay tumagos sa likuran ko. "Paano mo naman gagawin 'yon?" Umarko ang kilay ko dahil hindi pa rin ito nakatingin sa 'kin. Akmang ibibiling ko ang ulo ko para makita kung sino ba ang tinitingnan niya sa likuran ko nang bigla niyang hawakan ang magkabila kong pisngi at siniil ako ng halik. Tila nanigas ang buong katawan ko habang mulat na mulat ang dalawang mata. I thought it was just lasted for a second but he even moved his lips. I didn't kiss him back. I snapped back to the reality and pushed him away from me when I heard a sobbed from behind. Dahan-dahan akong lumingon at ganoon na lamang ang pagguho ng mundo ko nang makita si Luke. Tumutulo ang mga luha nito habang nakatulala sa aming dalawa ni Damian. Hindi ko alam ang gagawin ko. Muli kong ibinalik ang mga mata kay Damian para humingi ng tulong ngunit nagkibit balikat lamang ito sa akin. I gasped. Naninikip ang dibdib ko sa sakit na sinabayan pa ng panlalamig ng buong katawan. Tiningnan ko ulit si Luke na nasa ganoon pa ring sitwasyon. He looked so hurt and I can't stand seeing him that way. Gusto kong ipaliwanag ang lahat sa kaniya. Gusto kong depensahan ang sarili ko at sabihing mali iyong nakita niya. Akmang lalapitan siya nang humakbang siya paatras at sinabayan pa ng sunud-sunod nap ag-iling. "H-Huwag kang lalapit sa 'kin." he whispered weakly and bit his lower lip. "L-Luke," Suminghot siya at pinunasan ang mga luhang lumalandas sa kaniyang mga mata. Bahagya pa siyang tumingala habang nakaawang ang bibig. He then frustratedly messed up his hair. Nang muling magtagpo ang paningin namin ay tanging lungkot, galit at pagkadismaya lamang ang mababakas sa mga mata niya. "I-I-I can't believe this..." his voice broke again. "I can't believe that this is happening. O-Okay naman tayo noong huling beses nating nag-usap tapos pagkatapos ng gabing iyon, hindi ka na nagparamdam o nakipag-usap sa 'kin. Even when the rumor spread, hindi ko yo'n pinaniwalaan. I still waited for you, Rose." he sobbed. "Ang nasa isip ko no'n, kahit hindi ka na magpaliwanag basta kausapin mo lang ulit ako, okay na. Okay na 'ko." Tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang dalawang palad. "Rose, bakit naman ganito? Mahal na mahal kita, eh." he even cried harder. Nadudurog ang puso ko sa nakikita ko ngayon. Gustong gusto ko siyang lapitan, yakapin at ipaliwanag sa kaniya ang lahat ngunit hindi ko magawa. I really wanted to cry in front of him but I stopped myself. Sa libo-libong salita na sumisigaw sa utak ko ay tanging isang salita lamang ang lumabas mula sa bibig ko. "Sorry," Iyon lamang ang nasabi ko. Mapait siyang ngumiti sa kawalan bago marahang tumango. Parang sinasakal ang dibdib ko sa sobrang sakit nang  tuluyang tumalikod at humakbang palayo sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD