Chapter 12

1778 Words
As the day goes by, our relationship became stronger. Nakatapos ako ng first year college at siya naman ay grumaduate ng SHS with highest honor. Hindi lamang ako pumunta sa mismong graduation niya dahil may trabaho ako at exclusive for family members lamang ang celebration. Though, nakapag-celebrate na rin naman kami the day before his graduation. Mas pinili naming pribado ang aming relasyon. Pribado ngunit hindi naman namin dine-deny sa tuwing may nagtatanong sa amin. May isang tao lamang ang hindi nakakaalam about sa relasyon namin at iyon ay ang kaniyang Mommy. "You kept your relationship in private maybe because kinakahiya niyo ang isa't isa," Ria uttered that made my forehead knotted. Maging si Joana at Thanika ay napataas din ang kilay dahil sa sinabi nitong magaling na kapatid ni Allen. Bakit ba kasi nandito 'to? Wala naman siyang ambag na saya rito sa aming magkakaibigan. Puro landi at panghaharot lang kay Miguel ang alam. "We kept our relationship private dahil kapag maraming nakakaalam, maraming mangingialam," I said using a stern voice, "Kagaya mo. Masyado kang pakialam, hindi naman hinihingi opinyon mo." Kinuha ko ang isang bote ng beer sa lamesa. Padarag akong tumayo at naglakad patungo sa balkonahe. Ngayon na nga lamang ako nagkaroon ng oras para sumama sa kanila tapos ganoong klaseng tao pa ang makakaharap mo. I tsked and shook my head. "This is Blossom. Ang bago niyong makakasama rito sa dorm," Tita Paula, our landlady, announced. Pinasadahan ko ng tingin ang magandang babaeng nasa harapan ko. I puffed my cheeks to stop myself from laughing. Nakakatawa naman ang name niya. Fan siguro ng powerpuff girls yo'ng parents niya? Walang ekspresyon ang kaniyang mukha nang ilahad niya sa amin ni Nez ang kaniyang kamay. Nagkatingin pa kaming dalawa ni Nez kung sino ang unang makikipag-shakehands doon sa babae. Pinandilatan ko siya ng mga mata bilang sensyales na siya na ang mauna. "Hi, I'm Nez. Nice to meet you." maligayang saad ni Nez at tinanggap ang nakalahad na kamay ni Blossom. "Bluie na lang. You can call me Bluie." the woman in front of me answered. "Pffft." May umalpas na kaunting halakhak mula sa akin kaya bahagya akong tumalikod upang pigilan ulit ang sarili. Huminga ako ng malalim bago makipagkamay kay Bluie. "Hi, I'm Rose but you can call me Rosemarie for long," Tumango lamang siya sa akin at muling ibinalik ang mga mata kay Tita Paula. Muli lamang niya kaming pinaalalahanan sa mga rules and regulations dito sa dorm. Pagkaalis niya ay saka ko muling hinarap si Bluie na kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit niya sa cabinet. Lumapit ako sa kaniya para tulungan siya. "Blossom ang pangalan mo pero Bluie ang nickname mo? Bakit ganoon, walang connect?" Tumigil siya sa pagtutupi ng damit at tamad akong nilingon. "Ano bang paki mo?" malamig at tila walang gana niyang tanong. "Wala. Gusto ko lang sabihin na ang pangit ng pangalan mo," pang-aasar ko. She scoffed while glaring at me. "Well, gusto ko lang sabihin na wala akong paki." I laughed. Wala raw siyang pakialam pero bakit simula noong araw na iyon ay naging magkaibigan kami? I have this kind of feeling na alam kong mapagkakatiwalaan ko siya at magco-compliment kaming dalawa dahil kahit anong panlalait at pang-aasar ko, dinededma lamang niya. Hindi rin siya napipikon sa 'kin, hindi kagaya nina Joana na kapag na-realtalk minsan, nagagalit na. Si Bluie, kahit na parang palagi siyang walang gana, kulang sa energy at mahirap basahin, nakikita ko sa mga mata niya na kahit papaano ay natutuwa siya sa 'kin. Hindi lang siguro talaga siya showy. "Kumusta naman ang first week ng future Engineer ko?" I hugged Luke from behind. He was now on first year college, sa LSPU pa rin. Pangarap niyang maging Teacher pero dahil sa kagustuhan ng Mommy niyang maging Engineer siya ay iyon ang kinuha niyang kurso. "So far, okay pa naman po, love." he sighed. Nandito kami ngayon kina Damian. Nag-iinuman sila roon sa living room sa baba but since hindi naman umiinom si Luke at mahiyain din siya ay nagpasya na muna siyang umakyat dito sa taas. Sumunod lang ako dahil alas otso na at kanina pa rin tumutunog ang kaniyang cellphone dahil sa tawag ng kaniyang Mommy. Hinawakan niya ang mga braso kong nakapulupot sa baywang niya at dahan-dahang humarap sa akin. Sumandal siya sa balkonahe, hinawakan ang magkabilang baywang ko at hinalikan ako sa noo. "I don't like my course but I have no choice," "Bakit hindi mo ipaliwanag sa Mommy mo?" "She wouldn't let me, love. Iniiwasan ko ang magalit siya sa akin dahil siguradong ipapatapon ako no'n sa Manila." he heaved a sigh again and stared at me. "At ayaw ko po no'n. Kahit maging robot niya 'ko, ayos lang sa 'kin. Basta ang mahalaga nandito lang ako at malapit ako sa 'yo." he brushed my hair then kissed my forehead again. Okay na 'ko sa ganito. Kontento na 'ko sa mga bagay na ginagawa namin ni Luke kahit na maiksing oras lang ang mayroon kami sa araw-araw. Limitado ang oras niya dahil sa Mommy niya habang ako naman ay may abala sa trabaho at pag-aaral. Kung mayroon man kaming hindi napapagkakasunduan ay iyon ang pagiging independent ko. Sa sobrang independent ko, nararamdaman niyang parang hindi ko siya kailangan because I never seek for help in everyone...even in him. Na parang sa aming dalawa ay ako pa ang mas lalaki dahil ultimo pagsisintas ng kaniyang sapatos at pagbubukas ng kaniyang bote ng tubig ay ako pa ang gumagawa. Sa aming dalawa ay siya pa ang mas tinotoyo at ako pa ang madalas manuyo. I have no problem with that. Kagaya nga nang sinabi ko, masaya ako sa mga bagay na ginagawa ko para sa kaniya. "Love ko, nakauwi ka na po?" tanong ni Luke mula sa kabilang linya. Sumakay muna ako sa pinara kong jeep bago sagutin ang kaniyang tanong. Ikiniling ko ang aking ulo at inipit sa pagitan ng aking tainga at balikat ang cellphone dahil kailangan kong kumuha ng pamasahe sa bag ko. "Ito na, nakasakay na 'ko sa jeep. Ikaw, kumain ka na ba?" I asked. "Hindi pa po. Wala pa si Mommy, eh. Ang sabi ni Daddy sabay sabay na raw kami kumain," he responded. "Pagdating mo sa dorm love, pahinga na po ikaw ha? Pagod ka sa work mo po, eh." I chuckled and bit my lip. "Opo, boss. Oh sige na, tatawagan na lang kita mamaya. Malapit na 'kong bumaba." Marami pa siyang pinaalala sa 'kin bago ako tuluyang bumaba ng jeep. Napailing na lamang ako. Pagod na pagod ako sa trabaho pero hindi pa rin mawala ang malawak kong ngiti sa labi ngunit lahat nang makita ko kung sino ang nag-aabang sa akin sa labas ng dormitory ko. Naaaninagan ng ilaw ng poste ang kaniyang mukha. I can still clearly remember the first time I saw her in her own birthday party. Her fierce and intimidating aura sent shivers down my spine. The way she walked gracefully towards me also screams elegance. Hindi nito hinihiwalay ang mga mata sa akin hanggang sa tuluyan na siyang makalapit. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniyang mga mata. Ramdam na ramdam ko rin ang panunuyo ng aking lalamunan. Mas kinikilabutan pa ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin kaysa sa lamig ng hangin na humahampas sa balat ko. "G-Good evening po," I bowed my head as a sign of respect. "I guess hindi ko na kailangan pang magpakilala sa 'yo, Ija." she uttered and I nodded my head. "I am Luke's mother." "A-Alam ko po. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" Binuhos ko na ang buong tapang ko upang mag-angat ng tingin at pantayan ang paraan ng pagtitig niya...at hindi ko maiwasang masaktan. Her eyes were expressive. Kitang kita ko sa mga mata nito ang pagkadisgusto nito sa akin kagaya noong unang pagkakataong nakilala ko siya. Hindi 'yon nagbago. Tila ba sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay pinaparamdam niya kung gaano kalayo ang agwat namin ng kaniyang anak. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa since wala naman akong balak pag-aksayahan ng mahabang oras ang babaeng katulad mo..." she crossed her arms while her face remained stoic. "Alam ko kung anong relasyon mo sa anak ko. Simula una pa lang alam ko na iyong mga kabulastugang bagay na itinuro mo sa anak ko." "Magcut ng klase, kumain ng street foods, sumakay ng jeepney at higit sa lahat, tinuruan mo ang anak kong suway-suwayin ako," dagdag pa niya. "Ma-am, I'm sorry-" "Hindi ko kailangan ng sorry mo, Ms. Quejano." tumuwid siya ng tayo at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Siguro naman sapat na yo'ng panahon na pinagbigyan ko kayo ng anak ko. I want you to break up with him. Gusto kitang mawala sa buhay ng anak ko." Walang kagatol-gatol na aniya. Nararamdaman ko ang unti-unting pag-iinit ng dalawang sulok ng mga mata ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan iyon. Marahan akong umiling sa kaniya. "H-Hindi ko po magagawa 'yan," She scoffed. "Okay, madali naman akong kausap, eh. But believe me, hindi mo alam kung anong kaya kong gawin, Ms. Quejano. In just one snap, you will lose everything what you have right. Maaaring makakatulog ka nang mahimbing mamayang gabi pero sa mga susunod na araw? I won't let you." nang-uuyam siyang ngumisi at walang pasabi na tumalikod at sumakay sa kaniyang kotse. Nanghihina kong tinanaw itong papalayo. Habol ko ang aking hininga at tila nanlalambot ako sa mga binitawan niyang salita. Pilit kong kinalma ang sarili ko ngunit bigo ako. Ayaw kong mahalata nina Bluie na mayroon akong problema kaya pinara ko ang jeep na papalapit sa 'kin at walang pagdadalawang isip na sumakay doon. Habang nasa biyahe ay tinext ko na iyong taong gusto kong puntahan ngayon. Hindi siya nagreply pero alam kong gising pa siya. After a few minutes, I just found myself standing in Damian's house. Nandito siya sa labas ng bahay, nakaupo sa gutter ng kalsada habang ang dalawang kamay ay nakapasok sa magkabilaang bulsa ng hoodie niya. He frowned and stood up when he saw me. Bumuntong hininga siya. Walang pagtatanong na nangyari, basta na lamang niyang inilahad ang dalawang braso niya para salubungin ako ng yakap. Sa buong gabing iyon ay inasikaso niya 'ko. Hindi siya umalis sa tabi ko hangga't hindi ako nakakatulog hanggang sa sumapit ang umaga at masamang balita kaagad ang bumungad sa 'kin. My father lost his job in the factory because of me. I also lost my part-time job. And also there was a rumor speculating in the campus that I am cheating with Luke at ang lalaking tinuturo nilang karelasyon ko pa ay walang iba kundi si Damian. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD