His eyes were screaming anger and his jaw were clenching. Dire-diretso itong pumasok sa kwarto. I thought he'd welcome me with his hug and kisses, kagaya nang palagi niyang ginagawa sa tuwing umuuwi siya galing sa trabaho pero hindi. He acted like he didn't saw me. Para akong hangin na nilampasan lamang niya. Mula sa matinding pagkabigla ay mabilis akong nakabawi. Agad ko siyang sinundan sa kwarto. Nanginig ang tuhod at abot langit ang tahip ng dibdib ko nang makita itong kinukuha ang mga damit niya sa cabinet at inilalagay sa bag pack niya. Pinagsalikop ko ang aking palad at kinagat ang aking labi dahil sa sobrang kaba. "Luke, anong problema? Saan ka pupunta?" Nilapitan ko siya at sinubukan kong hawakan ang kaniyang kamay ngunit agad siyang umiwas sa akin. "Luke, ano ba? Anong proble

