Tatlong araw na ang nakakalipas magmula noong kunin ni Luke ang anak namin dahil nga gusto itong makasama ni Tito bago sila pumuntang America. Dapat ay kahapon pa niya naibalik sa akin si Lucas ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin sila. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa sala habang hawak ang cellphone ko. Ilang beses kong sinubukang tawagan si Luke ngunit unattended ang phone nito. Si Bluie ay nakaupo sa sofa habang sapo na ang noo. "Puwede bang kumalma ka? Kanina pa ako nahihilo sa 'yo." Bluie hissed. Kinagat ko ang labi ko at humarap sa kaniya. Kumakalabog ang dibdib ko sa hindi ko malamang kadahilanan. Para akong kinakabahan na ewan. "Parang may mali, eh. Feeling ko may mali talaga." saad ko kay Bluie at pinakiramdaman ang dibdib kong tumatambol. Bluie rolled her eyes. Tumayo siya

