"Sigurado ka na ba sa desisyon mong ito? Titigil ka muna sa pag-aaral mo?" mahinahon ngunit bakas ang panghihinayang sa boses ni Sir Condino, isa sa mga mababait kong Professors. "Opo, eh. Maging ako'y nanghihinayang din po pero mas mahalaga sa akin ang kaligtasan ng baby ko." Hinimas ko ang tiyan ko. Hindi pa naman masyadong halata ang baby bump ko ngunit kailangan kong maging maingat. Knowing my course, sobrang stressful nito at ayaw ko namang ipagpilitan na makapagtapos kung ang magiging kapalit man noon ay kaligtasan ng anak ko. "Babalik naman po ako sa pag-aaral kapag okay na lahat, Sir. Kaya chill ka lang diyan! Huwag mong ipahalata sa akin na mamimiss mo ʻko." I laughed. He cringed his nose, disgusted with what I said. Ikinumpas niya ang kaniyang kamay na para bang itinataboy ak

