Ngunit nang makarating na siya sa ibabang bahagi ng mansion, sa kusina, ay nagulat nalang ang mga katulong na nagtitipon-tipon doon. Ang kanilang mga mukha ay puno ng pagtataka at pagkabigla nang makita siya. Muli siyang naiyak habang bitbit ang kanyang maleta. Nanlaki ang mga mata ng mga ito, lalo na si Manang Sonia – ang pinuno ng mga katulong na matanda na at kilala sa pagiging maasikaso – na agad na tumayo mula sa kinauupuan niya sa tabi ng kusina. Nagtatakang tinignan niya si Dinnah habang ang mga kilay ay nakaangat, at nilalapitan agad siya nito. "Ma'am Donnah? Ano pong nangyari? Bakit niyo bitbit ang maleta niyo?" tanong ni Manang Sonia na puno ng pag-aalala. Ang ibang mga katulong ay napapahinto rin sa kanilang ginagawa at nakikinig sa kanilang usapan. Huminga ng malalim si Din

