CHAPTER 10

1116 Words
Nang handa nang papasok sa office si John, bago pa tuluyang makalabas ng pintuan ng kwarto, mariing hinalikan ni John si Dinnah sa labi—isang halik na puno ng init at pangako na para bang sinasabi nitong hindi makakalayo ang isip sa kanya kahit nasa trabaho ito. "Hintayin mo ako pag-uwi, hon." Nakangiting sabi nito sa kanya. "M-mag-ingat ka, hon," tugon naman niya rito. "Thank you, honey. Feel free to tell the helpers here what you need—no need to hold back, you're my wife, and you’re their boss now too." Bilin nito sa kanya bago tumalikod at tuluyang lumisan. Muling nakahinga nang maluwag si Dinnah nang tuluyang makaalis na si John. Pinahid niya ang labi gamit ang likod ng kamay, ramdam pa rin ang init ng halik ni John. Sa kabila ng kaba at pagkalito sa nararamdaman, naramdaman niya rin ang kakaibang gaan—bilang kung may maliit na puwang na nabuksan para sa kanya upang huminga nang hindi natatakot na mabubuko. Inayos niya ang kanyang damit at dahan-dahang lumabas ng kwarto patungo sa labas ng mansion. Sa unang pagkakataon, binigyang pansin niya ang kagandahan ng paligid. Ang buong bakuran ay napapalibutan ng mga puno at halaman, ngunit ang pinakamaganda ay ang malawak na hardin sa tabi ng bahay—punong-puno ng iba’t ibang bulaklak na kakaiba ang hugis at kulay, na tila ba binuhay ng mahusay na pag-aalaga. Habang namamasyal siya sa tabi ng mga bulaklak, napansin niya ang isang matandang katulong na naglilinis ng mga dahon sa gilid ng hardin. Ngumiti ito sa kanya nang mapansin siya. "Magandang umaga po, Ma’am Donnah," bati nito na may paggalang sa boses. "Magandang umaga rin po," sagot ni Dinnah, lumapit siya rito at tumingin muli sa mga bulaklak. "Ang ganda naman ng mga bulaklak dito. Sino po ang nag-aalaga nito?" Ngumiti ng malambing ang katulong. "Ito pong hardin, Ma’am, ay pinagmamahalang inaalagaan ng yumaong ina ni Sir John. Mahilig po talaga siya sa mga pananim—mula sa bulaklak hanggang sa mga halamang gamot. Minsan pa nga po, kapag may libreng oras si Sir John noon, kasama niya itong nagtatanim dito." Napatigil si Dinnah sa sinabi ng katulong. "Yumaong ina po niya? Kailan po siya pumanaw?" "Mga limang taon na po, Ma’am. Mula nang mailibing siya ay doon na po sa Amerika nanatili ang ama ni Sir John—isang Amerikano pong negosyante at sobrang yaman po nila. Nag-iisang anak lang po kasi si Sir John, kaya noong mawala ang ina niya, medyo nahirapan po siya. Minsan pa nga po, makikita mo siya rito sa hardin, tahimik lang na nakatingin sa mga bulaklak, parang kinakausap niya po ang yumaong ina niya." Tumingin si Dinnah sa direksyon na tinuro ng katulong—may isang maliit na puntod sa likod ng hardin, na nakapalibutan ng puting rosas na tila ba laging namumulaklak. Hindi niya maipaliwanag ang damdaming pumasok sa kanyang dibdib. Para bang unti-unting naiintindihan niya kung bakit may kakaibang lambing at bigat sa mga mata ni John tuwing siya ay nakikita. Ang hardin na ito ay hindi lang basta taniman—ito ay tahanan ng mga alaala niya para sa kanyang ina. "Kaya po hindi niya po ito ibinebenta kahit na maraming nag-ooffer ng malaking halaga para sa lupaing ito. Sabi po niya, dito lang po siya makakaramdam ng kalma, dahil dito po naiwan ang pinakamamahal niyang tao," dagdag pa ng katulong bago ituloy ang paglilinis. Naiwan si Dinnah na mag-isa sa tabi ng mga bulaklak. Habang hinahawakan niya ang isang bulaklak na kulay lila, biglang pumasok sa isip niya ang mga sandali na kasama niya si John. Ang lalaking akala niya ay isang mapangahas at walang pakialam ay may pinagdaanan palang kalungkutan na hindi niya alam. Pero bigla siyang napabalik sa katotohanan. Ang init na naramdaman niya kanina para kay John ay tila biglang naging bigat sa kanyang dibdib. Alam niyang hindi siya ang tunay na Donnah—hindi siya ang babaeng minahal ni John sa loob ng dalawang taon. Ngunit ngayong alam niya na ang mga pinagdaanan ni John, parang lalong nagiging mahirap para sa kanya na ituloy ang pagpapanggap. "Hindi ka dapat mahuhulog, Dinnah," bulong niya sa sarili, hinawakan niya ang kanyang dibdib kung saan ramdam niya ang mabilis na t***k ng puso. Ang lahat ng ito ay para sa kapatid mo. Huwag mong kalimutan iyon. Habang naglalakad pabalik siya sa mansion, bigla niyang napansin ang isang larawan sa mesa ng sala—isang litrato ng isang babae na nakangiti habang hawak ang isang bulaklak, at tabi niya ay isang batang si John na ngumingiti rin. Ang mukha ng babae ay may pagkakahawig kay John—lalo na sa mga mata. Alam niyang iyon ang ina ni John. Habang nakatingin siya sa larawan, biglang pumasok sa isip niya ang kanyang sariling pamilya—ang kanyang tatay na may sakit, at si Donnah kung nasaan kaya ngayon. Pati ang kanyang lolo't lola ay naiisip na rin niya at nalungkot. Iba ang landas nilang magkambal noong sila ay maliit pa; siya ay nasa lolo at lola niya lumaki, samantalang si Donnah lumaki kasama ang kanilang mga magulang. Sa tahanan ng mga matatanda, tinuruan siya ng mga aral ng pagiging masipag at mapagpakumbaba—mula sa pag-aalaga ng mga tanim hanggang sa pag-aayos ng bahay. Sa kanilang sipag at pagtitipid, pinag-aral siya ng lolo't lola hanggang sa kolehiyo hanggang sa makapagtapos siya ng Bachelor of Secondary Education, mag teacher na sana siya ngunit hindi niya nakamit iyon nang di siya pumasa sa board exam. Samantalang ang kambal niyang si Donnah na kasama ang kanilang mga magulang ay nagtapos naman ng Bachelor of Science in Agriculture dahil mahilig ito sa pag-aalaga ng mga pananim dahil magsasaka ang kanilang ama. Plano na sana ni Dinnah na kumuha ulit ng board exam nitong taon, ngunit nagkataon na biglang lumayas si Donnah isang buwan pa lang ang nakakalipas—sumama daw ito sa unang boyfriend nito. Noon nila nalaman ng lolo't lola niya na lubog na pala sa malaking utang ang kanilang mga magulang ngunit nang dumating si John ay ito ang tumulong sa kanila Kaya ang lahat ng propedad na naisanla ng kanilang mga magulang ay si Mr. Halden ang nagbayad—at siningil ni John ang mga magulang sa galit nang lumayas si Donnah, kaya siya ang naisipan ng mga magulang upang kunyari bumalik si Donnah para sa kasal ng mga ito. Bumigat ang kanyang puso. Kailangan niyang tapusin ang lahat ng ito sa lalong madaling panahon ayaw niyang lokohin habang buhay si John at hihingi ng tawad rito, kung maaari, luluhod siya para hindi nito babawiin ang kanilang mga propedad. Pero paano? Lalo na ngayong parang unti-unti na siyang nahuhulog sa lalaking kasintahan ng kanyang kambal?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD