Maganda ang pakikitungo sa kanya at alaga siya ng may edad na katulong na si Manang Sonia ngunit ang ibang katulong na sina Lily at Joanna ay parang ang baba ng tingin sa kanya bilang asawa ng kanilang amo, halata sa mga tingin ng mga ito sa kanya.
Simple lang kasi siya at di maarti. Siguro kung alam lang ng kanyang kambal na si Donnah na sobrang yaman pala ng kasintahan nitong si John Halden at siya ang nasa sitwasyon niya ngayon ay pormang porma na yun dahil maarti iyon kaysa sa kanya.
Pagkatapos ng pamamasyal niya sa labas ay ipinaghanda siya ni Manang Sonia ng pagkain para sa kanyang lunch – mainit na caldereta, inihaw na karneng baboy at ginisang petsay with karne na paborito niya. Nakaupo na siya sa maliit na mesa sa kusina at nagsisimula nang kumain nang biglang marinig ang pagdating ng isang mtunog ng makina ng sasakyan sa loob mismo ng malaking gate. Binuksan ng guard ang dumating na kotse dahil kilala na nito ang dumating.
"Uy, tingnan niyo – mamahaling kotse 'yan ah!" bulong ni Lily kay Joanna habang sumilip.
Napasilip silang lahat sa labas ng bintana ng kusina at nakita ang isang pulang sports car na huminto sa harap ng mansyon. Isang maganda at seksing babae ang bumaba – suot niya ang manipis na damit na kulay pula, mataas na takong, at mahabang buhok na kulot na umaalon hanggang sa kanyang baywang. Kaagad namang kumislap ang mga mata ng dalawang katulong na sina Lily at Joanna.
"Naku, Siya 'yan! Si Ma'am Alexa yan– ang ex-girlfriend ni Sir John!" bulong ni Joanna.
"Dati talagang nagpupunta lagi si Ma'am Alexa dito, kaya lang nagpunta daw siya ng Canada tapos ngayon lang bumabalik!" Wika naman ni Lily na sadyang iparinig kay Dinnah.
At si Dinnah naman ay napaurong nalang, hindi niya alam kung bakit nasaktan siya na nandito ang ex-girlfriend ni John, na kung iisipin ay hindi naman talaga siya ang kasintahan ni John—kundi ang kanyang kambal.
Taas-noo pang pumasok ang babae sa malaking Mansion ng mga Halden, hindi na humingi ng paalam, sinalubong naman ito nina Lily at Joanna na puno ng paggalang.
"Good afternoon po, Ma'am Alexa!" bati nina Lily at Joanna.
"Where is John's wife? I want to see her – what kind of woman he replaced me with, and he really did marry her." Ang sabi ni Alexa.
"Nasa Dinning room po, Ma'am," Sagot pa ng katulong na si Joanna.
At walang salitang dumeretso na si Alexa sa Dinning room. Alam nito na wala si John kaya magagawa nito kung ano ang gusto nito. Three years silang magkasintahan ni John at akala niya ay siya na talaga ang pakakasalan nito ngunit malalaman nalang niya na may two years na karelasyon din pala ito tapos nagulat siya nang malamang pinakasalan talaga ni John ang babae.
Kinabahan naman si Dinnah nang makitang paparating sa dinning room ang magandang babae habang nakasunod ang dalawang katulong sa likod nito.
Unti-unting tumayo siya mula sa kanyang inupuan. Ang babae ay lumapit sa kanya, tiningnan siya mula ulo hanggang paa nang may pagkukunwari sa mukha. Pinagtaasan siya nito ng kilay bago nagsalita,
"Hi! I'm Alexa Solaiman—John's girlfriend, he can't call me an ex because our relationship never had closure.
So you're the new Mrs. Halden? I was expecting someone... more sophisticated. You look so ordinary – honestly, you blend right in with the staff here. Does John even know the difference between his wife and his house helpers," Irap na wika nito sa kanya.
Natawa nang mahina sina Lily at Joanna, tinatakpan pa nila ang kanilang bibig para hindi masyadong marinig.
"Ang sungit talaga ni Ma'am Alexa, pero tama naman siya e, siya kaya ang deserve sanang pakasalan ni Sir at hindi si Ma'am Donnah," bulong ni Lily kay Joanna.
Ngunit si Manang Sonia ay tahimik lang, ngunit makikita sa mukha nito ang di pagkagusto sa pang iinsulto ni Miss Alexa kay Dinnah. Lumapit siya sa tabi ng dalaga at mariing nagsalita.
"Ma'am Alexa, hindi po tama ang mga sinasabi ninyo. Siya po ang asawa ni Sir John, at dapat po ninyong igalang iyon. Kung may kailangan po kayo sa kanya, gawin ninyo po ng maayos at kung wala huwag na po kayong magsalita ng ganyan." Sabi ni Manang Sonia.
Ngunit hindi man lang lumingon ang babae kay Manang Sonia – patuloy pa rin itong nakatingin sa kanya, may ngisi ng pagkainsulto muli sa labi.
"Tell her not to worry – I'm not here to cause trouble. I just came to remind John, and to show his new wife who it was that John replaced with someone like her."
"Sorry, hayaan mo, Miss Alexa, sasabihin ko sa kanya ang mga hinanakit mo," Sabi naman ni Dinnah na halatang nasaktan.
Hindi naman siya dapat masaktan dahil wala siyang right na masaktan, nagpapanggap nga lang siya kay John na siyang pinakamalaking problema niya ngayon.
Tuloyan nang nawalan ng gana sa lunch si Dinnah at akma na sana siyang aalis sa dinning room na iyon ngunit di niya akalaing ganun nalang kalakas ng loob ni Miss Alexa na i-blocking ang kanyang mga paa—dahilan na siya'y matapilok at biglang nadapa sa sahig!
"Array ko!" sigaw niya sa gulat nang siya'y madapa.
Natawa naman si Alexa.
Nanlaki ang mga mata ng mga katulong sa ginawa ni Miss Alexa.
"Jusko po, Ma'am Alexa! Anong ginawa niyo sa asawa ni Sir John!? sabi niyo hindi kayo gagawa ng gulo dito!?" Ang sabi ni Manang Sonia na kaagad tinulongan si Dinnah na makatayo.
Doon nagalit si Dinnah, hindi sa lahat ng oras ay mabait siya, hindi rin siya tanga o gaga na papayag nalang na gawin ito sa kanya, siya ang naturingang asawa ni John ngayon tapos bigla lang papasok ang babaeng ito at gagawin ito sa kanya? Mas lalong nagngalit ang kanyang bagang nang makitang natawa na naman ang dalawang katulong na kasama ni Manang Sonia.
Bumangon siya at tiningnan ng matalim ang dalawang katulong na bigla namang namutla. At matapang niyang hinarap ang ex-girlfriend ni John.
"Baka nakalimutan mo, na asawa na ako ni John? At pwede kitang ipakaladkad ngayon din Miss Alexa sa dalawang guard sa labas. You look down on me – who do you think you are that I should be scared of you? I'm John's wife, and you're just his ex-girlfriend!" Galit at nanlilisik ang mga matang wika ni Dinnah. Mabait siya pero huwag na huwag lang talaga siyang tratuhin ng ganito dahil hindi iyon pwedi sa kanya!
Namangha si Miss Alexa sa katapangan pala ng asawa ni John na kahit simpleng babae ito ngunit matapang pala at di paaapi.
"Hindi nababagay sa'yo ang matapang!" Sabi pa ni Alexa.
Ngunit nagulat ang lahat nang biglang itinulak ni Dinna ang babae— dahilan kung bakit bumagsak itong patihaya sa sahig.
"Outch!! what the hell you're doing!?" Nanlaki ang mga matang sigaw ni Alexa.
"Manang Sonia, tawagin mo ang mga guard! At ilabas nila ang nag eskandalosang babaeng ito! Ngayon na!" galit na utos ni Dinnah.
"Ahh, o-opo, Ma'am Donnah!"
"No! You can't do this to me!" Sigaw ni Alexa.
"Magagawa ko, dahil inunahan mo ako!" Sigaw din ni Dinnah.
At ang dalawang katulong na sina Joanna at Lily ay napaatras nang makitang matapang pala ang bagong asawa ng kanilang amo.