Hindi alam ng sinumang nasa mansion na sa parehong oras na nagkakasagutan sina Donnah at Alexa, papalapit na pala si John pauwi sa mansion. Mula sa tawag ng kanyang kaibigan na si Leo ay nalaman niyang bumabalik na pala si Alexa mula Canada – at ayon sa impormasyon, diretsong pumunta ito sa kanilang mansion para makita ang kanyang bagong asawang si Donnah. Alam niya kung paano magalit at mang-insulto ang babae noon pa man, dahil girlfriend niya ito; naging sila ng tatlong taon, ngunit hindi naman siya nagtiyaga sa kanilang relasyon ni Alexa, at hindi rin sila laging nagsama. Parang tanging init ng katawan lang nila noon ang kailangan nila sa isa't isa. At ngayon ay lubos siyang nag-aalala para sa asawang si Donnah.
"I need to get home now – Alexa’s here and I’m really worried about my wife. Baka gawin niya ulit ang mga kalokohan niya dati sa ibang babaeng nakakadate ko noon," sabi niya sa sarili habang binilisan niya ang takbo ng kanyang kotse.
Pagdating niya sa malaking gate ng mansion, agad siyang binuksan ng guard na si Mang Roberto. Nakita at napansin naman agad niya si Manang Sonia na kausap sa isang guard na tila kalalabas lang mula sa loob ng mansion.
Mabilis niyang ipinasok sa loob ng gate ang sasakyan niya at agad na lumabas.
Halatang natuwa naman si Manang Sonia nang makita siyang dumating. At halatang kinakabahan at namumutla ang matanda.
"Sir John, mabuti naman nandito na po kayo – bigla na lang pong dumating si Ma’am Alexa dito! At nag-eskandalo! Tinawag kami ni Sonia para piliting ipalabas po sa Ma’am Alexa ang asawa niyo, Sir!" hindi matapos-tapos na sabi ni Mang Roberto.
"So, what are you waiting for!? Bilisan niyo!" Sigaw ni John.
"Sir—"
Naputol ang nais sabihin ni Manang Sonia nang hindi na niya pinansin ito. Nagmamadali na siyang pumasok sa mansion. Nakasunod naman sa kanya ang dalawang guard at si Manang Sonia papasok ng mansion.
Bumangon pala si Alexa at sinabunutan si Donnah, at lumaban din si Dinnah sa sabunutan. Ang eksenang pagsasabunutan nina Alexa at Dinnah ang naabutan ni John, na mas lalong ikinagalit siya.
"Stop it, Alexa!" Malakas na sigaw ni John na nagpatigil kina Alexa at Dinnah.
"John!?" Nagulat na sambit ni Alexa at nanlaki ang mga mata nito sa biglang pagdating ni John.
Agad namang pinagtulungan ng mga guard si Alexa para hilahin palabas, ngunit mas lalo itong nagpumiglas at nagsisigaw.
"John! You have to believe me! Hindi ako ang nagsimula nito! Ang asawa mo ang unang nanakit sa akin – she slapped me first tapos itinulak pa ako sa sahig! How could you let her do this to me?" sigaw ni Alexa habang pinipigilan siya ng mga guard; ang mga mata ay puno ng luha at galit.
Si John naman ay lumapit sa kanya, ang mga mata ay namumula sa galit.
"I don’t believe you, Alexa. You know how you get when you’re angry – palaging ikaw ang nagsisimula ng gulo. Wala kang karapatang pumasok dito nang walang paalam, and you definitely have no right to hurt my wife!"
"That’s not true! She started everything! Sabi niya pa, hindi niya ako kilala! I was your girlfriend for three years, John – more than she ever was to you!" ulit ni Alexa habang hinihila siya ng mga guard palabas patungo sa pintuan.
"Get her out of here ngayon mismo – and make sure she never comes back again. Huwag ninyo siyang payagang pumasok muli dito kahit kailan, naintindihan ninyo!?" mariing utos ni John sa mga guard.
Hindi na nagawa pa ni Alexa ang ibang sasabihin nang tuluyan siyang kaladkarin palabas ng mansion, habang patuloy pa rin siyang sumisigaw mula sa labas.
"John, you’ll regret this! I love you more than she ever could! I’ll come back for you!"
Agad namang lumapit si John kay Donnah at niyakap ito ng mahigpit. Inayos pa niya ang buhok at damit ng kanyang asawa.
"Are you okay, hon? I'm sorry – did she hurt you badly? Let me see kung nasaan ka nasugatan – baka kailangan nating pumunta sa hospital," tanong niya nang may matinding pag-aalala, hinahaplos ang pisngi ni Dinnah na namumula pa mula sa galit kay Alexa.
Hindi napigilan ni Dinnah na mapaiyak habang yakap siya ni John.
"John, I'm okay. Nagulat lang ako nang bigla niya akong binlocking sa paa kaya nadapa ako, at iniisulto niya ako na parang katulong lang ako tapos pinagtawanan pa. At ang dalawang katulong mo – sina Lily at Joanna – ay pinagtawanan lang nila ako; si Manang Sonia lang ang kakampi ko kanina," sabi niya na parang hindi pa makapaniwala sa nangyari habang hinahaplos ni John ang kanyang likod at tinitigan siya.
Nagsalubong ang mga kilay ni John sa narinig tungkol sa dalawang katulong.
Lumingon si John ng masama sa dalawang katulong na ngayon ay namutla na parang puting papel, nanginginig na hawak-hawak ang kanilang mga apron.
"Lily, Joanna – get over here now. Anong iniisip ninyong dalawa? You call yourselves house helpers, but you disrespected the lady of the house?" Nanlilisik ang mga matang tanong ni John sa mga ito.
Nanginginig na lumapit ang dalawa, ang mga mata ay puno ng luha.
"Sir John, paumanhin po... Hindi na po mauulit, patawarin mo kami. Hindi po namin sinasadya – natakot lang po kami kay Ma’am Alexa," umiiyak na sabi ni Joanna habang hawak ang braso ni Lily.
"You disrespected my wife – the woman I love and the lady of this house. Wala na kayong lugar dito sa pamamahay ko. Get your things and leave immediately – I don’t want to see your faces here again. You’re both fired!" mariing sabi ni John, walang bahid ng awa sa kanyang boses.
Hindi na nakapagprotesta pa ang dalawa nang marinig iyon. Iyak ng iyak silang pumunta sa kanilang kwarto para kunin ang kanilang gamit – alam nilang sayang ang trabaho sa mansion dahil malaki ang sahod, maganda ang pasilidad, at mabait pa ang kanilang amo, ngunit wala na silang magagawa. Hindi nila dapat minaliit at pinagtawanan ang asawa ng kanilang amo.
Pagkatapos nilang umalis, inalalayan ni John si Donnah papunta sa sala at pinaupo siya sa sofa.
"Don’t worry, honey – hindi na siya makakabalik dito. I’ll make sure of that. And from now on, lahat ng taong nandito sa bahay ay dapat talagang igalang ka bilang asawa ko, dahil kung hindi – tanggalin ko silang lahat sa trabaho!" sabi ni John.
"Thank you, John..." bulong ni Dinnah habang yakap siya ng lalaki.
Alam niyang hindi siya tunay na babaeng minahal nito, ngunit sa sandaling iyon, nakakainlove ang pagmamahal at pagproteksyon nito sa kanya.
God, mahal na niya si John.
Hinaplos nito ang kanyang mukha at tinitigan siyang muli.
"I love you so much, my wife." Pabulong na wika nito sa kanya.
"But John—" Aniyang may nais sanang itanong rito.
Napakunot-noo naman itong nakatitig pa rin sa kanya.
"What's it, hon?" Tanong pa nito sa malambing na boses.
"Bakit walang closure ang relasyon niyo ni Alexa? D-dapat sana ay may closure muna kayo b-bago mo ako naging kasintahan at pinakasalan." Di niya napigilang tanong rito.
"Hon—"
"At isa pa, maganda siya, sexy at halatang mayaman din. Siya sana ang nababagay sa'yo at h-hindi ako." Naidugtong na naman niya.
"What?" Natawang sambit nito.
"Is that really you, Donnah? This is the first time I've heard you being humble. Before, you wouldn't let anyone get the better of you – you even said you're more beautiful and sexier than all my ex-girlfriends." Tanong pa nito sa kanya.
"Naku, si Donnah talaga feelingera!" Sigaw ng isip ni Dinnah.
"Ha? Ahh, eh, nasabi ko pala yun? K-kalimutan muna yun, hon." Medyo nautal pa niyang sabi rito.
"Hon, for me, you're more beautiful than all the women I've been in a relationship with. Your beauty is one-of-a-kind, and I love you so much." Sabi nito sa kanya.
Kinilig naman siya, pero napawi din agad dahil alam niyang hindi para sa kanya ang mga salitang iyon – kundi para sa kanyang kapatid.
"R-really, hon?" Sabi pa niya rito na tila hindi naniniwala.
"Yeah, let's go to our room, hon.." Malambing na sabi nito sa kanya.
Niyaya siya nito sa loob ng kanilang kwarto at wala na naman siyang takas rito. Alam niyang unti-unti na talaga siyang nahulog kay John na dapat hindi niya sana maramdaman, dahil alam niyang ang pagmamahal nito ay hindi para sa kanya.
Nang nasa loob na sila ng kanilang kwarto, ginamit muna saglit ni John ang intercom sa kwarto para utusan si Manang Sonia na ihanda ang masarap na dinner mamaya para sa kanila ng asawang si Donnah.
Pagkatapos ay muli siya nitong binalingan at hinubad nito ang suot nitong polo. Lumantad ang matipunong katawan nito sa kanya at ang mabalahibong dibdib nito.
"I want us to have a child right away, hon," Malamlam ang mga matang sabi nito sa kanya.
Natigilan naman siya. Ang pills niya sa bag ay baka makita nito, at kailangan pala niyang itago iyon. Tumabi ito sa kanya, hinapit na siya nito at siniil ng makapugtong-hininga na halik sa labi.