"Sir… hinostage po niya si Ma'am Donnah!" Para bang nanigas ang buong katawan ni John sa narinig. "What the hell are you saying?!" galit at hindi makapaniwalang sabi niya. "May baril po siya, sir. Hawak po niya si Ma'am Donnah ngayon sa loob ng bahay. Hindi po namin magawang lumapit dahil baka may mangyari kay Ma'am Donnah!" Mahigpit na napakapit si John sa kanyang cellphone. Sa tabi niya ay tahimik lamang na nakatingin si Dinnah. Hindi man niya marinig ang buong usapan ay halatang may seryosong nangyari. "Keep everyone away from him," mariing utos ni John. "I'm going there right now. May mga pulis na ba?" tanong niya. "Oo, sir. Meron na po, pero hinostage niya si Ma'am Donnah!" Pagkatapos ay agad niyang ibinaba ang tawag. "John… anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Dinnah.

