Sandaling natahimik ang buong sala matapos pumasok si John sa loob ng bahay. Nakatayo lamang siya sa gitna ng sala habang malamig na nakatingin kay Felix. Sa kabilang banda naman ay hawak ni Felix si Donnah mula sa likuran. Mahigpit ang pagkakapulupot ng kanyang braso sa leeg ni Donnah habang nakatutok ang baril sa sentido nito. Namumugto na ang mga mata ni Donnah sa kakaiyak. "John! Help me!" hagulgol na sigaw ni Donnah habang puting-puti ang kanyang mukha at labi dahil sa labis na pagkapumutla. "Tumahimik ka, Donnah!" asik ni Felix. "Felix… please… tama na," nanginginig nitong pakiusap. Ngunit ngumisi lamang ang lalaki. "Huli na ang lahat." Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak kay Donnah dahilan upang mapangiwi ito sa sakit. Mahigpit na napakuyom ang kamao ni John ngunit pinigi

