Bitbit ang malaking maleta na puno ng kanyang mga gamit, unang nagpunta si Dinnah sa kanyang mga kasamang katulong para magpaalam na sa kanila lalo na kay Manang Sonia – ang naging mayordoma na ng mga katulong na nakagaanan niya ng loob sa maikling sandaling nakasama niya ito. "Good morning, Manang, aalis na po ako ng maaga," sabi niya sa matanda. Napatingin ito sa kanya at pati na ang ibang katulong. "Mag-iingat ka, Miss Dinnah." Sabi ng ibang mga katulong. "Mag-iingat ka, Miss Dinnah. Napakasayang kung bakit hindi nalang talaga ikaw ang nagiging asawa ng amo namin, nakagaanan ka na ng loob namin dahil mabait ka'ng bata." Malungkot na wika ni Aling Sonia. "Oo nga, kaya sayang lang talaga." Sang-ayon naman ng kusinera na si Aling Matilda. "Salamat po sa lahat ng tulong at pag-a

