Ngunit di siya pinakinggan ni John at tinalikuran na siya nito. Siya naman ay muling pinahid ang kanyang mga luha na tuloy-tuloy na nagtungo sa kusina habang nagpupunas ng luha gamit ang manggas ng kanyang uniporme at pagkatapos kumuha ng pagkaing ise-serve ay muling bumalik at naglalakad patungong hardin kung saan naroon sina John at ang mga bisita nito. Ang tray na hawak niya ay bahagyang nanginginig, kasama ang mga bago pang inihandang dessert at malamig na inumin. Sa bawat hakbang ay ramdam niya ang bigat ng mga tingin ng mga bisita—halos lahat nakatingin ang sa kanya, at alam na niya kung bakit, alam na ng mga ito na siya'y kambal ng kasintahan ni Donnah. Ngunit ang iilan pala ay di talaga siya kilala. Habang inilalapag niya ang dalang pagkain sa mesa malapit sa pool ay nakasunod di

