Chapter four

1251 Words
"Panigurado Tricia hindi mo pagsisisihan ang pagsama sa akin" ani Lily Kanina pa siya nito pinipilit na sumama sa Cocktail Party ng paborito nitong artista. Nanalo ito ng dalawang tickets para sa free entrance ng sinalihan nito online. "Hay naku, ngayon palang ay sising-sisi na ako" aniya na may kasamang buntong hininga. "Basta ako ang bahala sa lahat. Sarili mo lang ang dadalhin mo. Ako na ang bahala sa isusuot mo" anito habang kinukuha ang damit na nakahanger. Mukhang wala na nga siyang magagawa pa. Kailan ba naman siya nakatanggi dito? Nasa isang department store sila nito para mamili ng damit na isusuot ng party na pupuntahan mamayang gabi. "Mukhang bagay sayo ang isang ito" tukoy nito sa hawak na damit. Isa iyong sexy fitted mini off shoulder dress. "Hindi kaya masyado namang revealing ang isang iyan? pag a-alangan niya. "Hindi naman. Masyado ka namang conservative. I-try mo kayang isukat" anito at sabay abot sa kanya ng damit. Agad naman siyang tumalima at pumasok sa fitting room. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na siya suot ang damit. "Sabi ko na bagay sa iyo ang isang 'yan" bulalas nito. Inikot-ikot pa siya nito para makita ang likurang bahagi. Lalo tumingkad ang pagiging maputi niya dahil sa itim na kulay ng damit. Medyo na aasiwa nga lamang siya dahil above the knee iyon at fitted pa. Lalong lumutang ang magandang kurba ng kanyang katawan. "So' yan na ang isusuot mo at ito naman ang sa akin" anito bago ipinakita sa kanya ang hawak nitong damit. "Hindi ba mukhang liberated ang dating ng isang 'yan?" nag a-alangan niyang tanong. "Hindi' yan. Isa pa party ng mga sosyal ang pupuntahan natin, Tricia kailangan bongga din tayo. Anong malay natin kung nandun lang pala si Mr. Right" anito sa kinikilig na tono. "Hay naku, ito na naman po siya" aniya sabay irap dito. "Okay susukatin ko lang ito" anito at hindi na hinintay pa ang sasabihin niya. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ito suot ang damit. Halos matutop niya ang bibig sa pagkamangha. "That's a Navy Bodycon tube dress" anang sales lady nakalapit na pala ito sa kanila. "Bagay ba sa akin? tanong ni Lily at umikot pa para ipakita ang kabuuang suot nito. "Bagay sa iyo ang problema nga lang ay baka lumuwa ang mata ng mga lalaking makakakita sayo" komento niya. Bagay naman dito ang suot na damit. Lumutang ang curvy nitong katawan dahil fitted iyon. Maging nahahantad din ang cleavage nito. Bumagay sa mala porselana nitong kutis. "Iyon nga ang plano ko" anito at pilyang ngumiti "Batukan kaya kita dyan!" biro niya Tumawa lamang ito. Bandang huli ay wala na siyang nagawa pa. Iyon na ang napagdesisyunan nilang isuot sa party. Pumili rin sila ng sapatos na babagay sa mga damit na iyon. "THIS is it, Tricia. Let's enjoy the party" excited na sabi ni Lily. Nakarating na sila sa reception ng pagdarausan ng party ng isang sikat na modelo. Nabasa niya ang pangalan nito sa isang tarpaulin 'Debbie Nelson' madalas niya itong nakikita sa mga women's magazine at mga commercial sa telebisyon. Siya Pala. In fairness maganda talaga siya Nagkibit balikat nalang siya. Tumuloy na sila sa entrance ng hotel. Maraming table na nakalaan para sa lahat ng bisita. May limang mahahabang table kung saan nakalagay ang mga ibat-ibang brand ng mga mamahaling alak. Very elegant ang dating ng venue ng party. Humanap sila ng mauupuan ni Lily. "I'm sure maraming nagkalat na mga 'fafa' dito" Ani Lily nang Maka hanap sila ng mauupuan nito. "Malamang mga kaibigan at fans ni Debbie ang nandito" komento niya. Kumuha ito ng maiinom nila. "Pasensiya na Lily pero hindi ako umiinom ng alak" tanggi niya nang inilapag nito sa harap niya ang kopitang may lamang alak. "Subukan mo lang masarap ito saka hindi masyadong matapang" pamimilit nito. Tinikman niya iyon at napangiwi nang dahil sa lasa. Gumuguhit ito sa lalamunan. "Kakain nalang ako nito" tukoy niya sa blue Barry cheese cake at hindi na hinintay pa ang sasabihin nito. Panalo ang lasa! "Tricia pupunta lang ako sa ladies room huh?" paalam nito bago nagmamadaling umalis. Tinanguan lamang niya ito. Nagtataka lamang siya dahil madaling-madali ito. Napansin niyang dumadami na ang mga bisita. May mga media pa nga na dumalo. Marahil ang para I-cover ang party. Ang Alam niya ay thanks giving party ito ni Debbie para sa mga loyal fans nito. Tumayo siya at sinubukang tingnan ang iba pang mga available na dessert. Mas mabuti na ito at least free at hindi na ko na kailangan pang magluto. Biglang sumagi sa isipang niya si Zach nang ipakain nito sa kanya ang maalat niyang luto. Hmp impakto talaga! Nang mag angat siya nang tingin ay nakita niya itong palapit sa gawi niya. Speaking of the devil! Sa likod ay may dalawang reporter na sumusunod dito. Bahagyang nakakunot ang nuo nito nang mapansin siya ngunit agad ding na palitan ng ngiti. Medyo naasiwa siya nang pasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya. Iniwas niya ang tingin dito at kumuha ng maiinom na juice. Matapos makainom ay nagulat pa siya nang makalapit na ito sa harapan niya at walang anu-anoy hinalikan siya. Hindi siya nakahuma at na lalaking mga mata. Ramdam niya ang mga flash ng camera sa paligid. Nakalapat lamang ang labi nito sa labi niya at hindi gumagalaw. Tumagal iyon nang ilang segundo. Pagkatapos ay inakbayan siya nito at ngumiti sa mga reporter na malamang ay kumuha ng kanilang litrato. Mistula naman siyang namatanda. Hindi pa man siya nakakahuma ay nagsalita ito. "She's Tricia my fiancée" anito saglit na tumingin sa kaniya at ibinalik ulit sa mga reporter. Fiancée? Nababaliw na ba siya? "Mag smile ka naman" bulong nito. Imbes na sunduin ito ay kumunot pa lalo ang noo niya. "A-anong nangyayari? B-bakit mo---" Kanda utal na bulong niya rito. "Saka ko na ipapaliwanag sayo" anito. Pilit na ngiti lang ang ibinigay niya sa mga kumukuha ng litrato. First kiss ko yun impakto! "We have to go, " anito sa mga reporter na nakaabang. "Let's go sweetheart" tukoy nito sa kanya. Sweetheart? Hinila na siya nito paalis sa lugar na iyon. Nagpatianod nalang siya dito hanggang sa marating nila ang parking lot. Ipinagbukas siya nito ng pinto ng kotse nito. "Sakay na" utos nito "Sandali nga pwede bang ipaliwanag mo muna sa akin kung ano ang nangyayari?" "I will explain to you everything, pero pwede ba sumakay kana muna" anito sa naiinis na tono. Pilit siya nitong pinasakay. Hindi siguro ito naturuan ng magandang asal. Sa biyahe ay hindi ito kumikibo. Pagod na rin siya. Nang makarating sila sa bahay ay nag tuloy-tuloy ito papunta sa kuwarto nito. Huminto ito saglit bago nagsalita. "We will talk tomorrow" anitong hindi siya nililingon. Tumuloy na ito sa loob ng kuwarto nito at isinara ang pinto. HINDI siya makatulog nang gabing iyon matapos nilang makauwi mula sa party. Isinabay siya nito sa kotse. Pakiramdam niya ay isa siyang artista nang oras na iyon. Si Lily naman ay tinawagan siya at sinabing mauna na siyang umuwi. Ahh! Please naman patulugin mo na ako Humiga siyang patihaya kanina pa siya pabiling-biling sa higaan. Bakit ba hindi maalis sa isip ko ang mukha ng impaktong yun? Kung hindi sana siya hinalikan nito ay na nanahimik ang buhay niya. Kailangan niyang magpaliwanag sa akin bukas Tiningnan niya ang wall clock. Mag aalas tres na ng umaga. Ipinikit niya nang mariin ang mga mata at pinilit na matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD