Chapter Five

599 Words
"MAGPAPAKASAL tayo," pahayag ni Zac, habang kumakain sila nito. Napakabait nito sa kanya dahil pinayagan siya nitong sumalo rito. Puro masasarap na pagkain ang ipina-deliver nito. Di niya napigil ang sarili na mapaubo ng sunod-sunod nang masamid sa iniinom ng juice. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito. Dinaluhan siya nito at hinimas ang bahagi ng kanyang likuran. Bahagya siyang nakaramdam ng kiliti sa ginawa nito. "A-anong sinabi mo?" tanong niya nang mahimasmasan. Baka nagkamali lamang siya ng dinig na niyayaya siya nitong pakasal. Aware siyang sinabi nito sa mga reporter kagabi sa party na fiancée siya nito ngunit wala sa isip niyang pakakasalan nga siya nito. "Ang sabi ko magpapakasal na tayo," pag-uulit nito. Tiningnan niya ito nang diretso sa mukha. Hinihintay niyang bawiin nito ang sinabi o sasabihin nitong nagbibiro lamang ito, ngunit mukhang seryoso ito. "Seryoso ka?" paniniguro niya. Mahirap nang maisahan na naman siya nito. "Seryoso ako, Tricia. Mukha ba akong nagbibiro?" anito. "Teka, bakit biglaan ka naman kung makapagyayang magpakasal?" nagtatakang tanong niya. "Nasisiraan kana ba?" Dios mio! hindi kaya may masamang espiritong sumapi dito? O, kaya ay nabagok ang ulo nito? Aniya sa isip. "Sa tingin ko ay ito nalang ang solusyon para tantanan na ako ng media tungkol sa amin ni Bianca," paliwanag nito. Nakuha niya ang ibig nitong sabihin. Gagamitin siya nito para tigilan na ito ng media. "Pasensiya kana, Zac pero... napakasagrado ng kasal. Hindi ko kayang magsinungaling sa harap ng Diyos," tanggi niya. Pakakasal lamang siya sa taong mahal niya at mahal din siya. Iyon naman talaga ang dapat. "Common, Tricia. Pumayag kana," pamimilit nito. Napabuntong hininga nalang siya. "Hindi naman totoo ang magiging kasal natin, " pahayag nito Natigilan siya at tumingin sa mukha nito nang diretso. "H-hindi totoo?" aniyang naguguluhan. "Yes, fake wedding ang mangyayari" paliwanag nito. Palalabasin lang nila sa publiko na may kasalan ngunit ligid sa mga ito ay peke iyon. "Ganyan ba talaga kayong mga artista?" Bigla ay nakaramdam siya ng inis dito. "Look, ayaw ko nang makipagtalo ibabalik ko itong bahay sayo kung papayag kang magpakasal sa akin," walang gatul na turan nito. Natigagal siya. Nagtatalo ang isip niya. Bigla ay gusto na niyang bawiin ang mga sinabi niya dito kanina. "Hindi ba't iyan naman ang gusto mo?" untag nito. "Mapapasayo na ito after six months matapos nating ikasal. Huwag kang mag-alala magkakaroon tayo ng kontrata bago ang ikasal. Hindi rin naman natin kailangang umakto na totoong mag asawa. Gagawin lang natin iyon sa harap ng ibang tao. Separate room pa rin tayo," patuloy na paliwanag nito. Napalunok siya. Separate room? Parang may panghihinayang na aniya sa isip. Gaga! Umaatake na naman ang kalandian mo," singit ng kontrabidang bahagi ng isip niya. "Makakatanggap ka rin ng bayad buwan-buwan," patuloy pa nito sa pangungumbinsi. Pabor na nga sa kanya iyon. Makakatanggi paba siya? "Lord patawarin niyo po ako," piping dasal niya. "Sige, pumapayag na ako," aniya. Alang-alang sa bahay ay nakahanda siyang gawin ang lahat. Nakita niyang nagliwanag ang mukha nito. Lalo itong gumaguwapo kapag nakangiti. "Thank's Tricia," anito. Sa sobrang tuwa ay nahawakan pa nito ang palad niya. Pakiramdam niya ay may mga boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kamay nila. Napakislot siya ng bahagya. Ano bang nangyayari sa kanya? Nahawakan lang nito ang kamay niya ay parang may pakiramdam siyang hindi maipaliwanag. Bago lamang iyon sa pangdama niya. Mukhang napansin nito ang pagkailang niya at binitawan ang kamay niya. "Mag ayos kana ipapakilala kita sa family ko" anito bago tumayo. "huh? Teka--- naputol ang sasabihin niya nang makaalis na ito. Ang bilis naman ata?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD