Chapter Six

1031 Words
PAKIRAMDAM ni Tricia ay para siyang binabalatan ng buhay. Ipinakilala na siya ni Zac sa pamilya nito. Kaharap nila ngayon ang Lola Caridad nito at ang Mommy Precy at Daddy Morris nito. Kanina nang papasok pa lamang sila ni Zac sa sala ay kinilatis na siya ng abuela nito mula ulo hanggang paa. Nahigit niya ang kanyang hininga. Pakiramdam niya pati kaluluwa niya ay walang ligtas sa mapanuring mga mata nito. Bahagya nitong inayos ang suot na salamin sa mata. "Ito ang unang beses na nagdala dito si Zac ng nobya at ipinakilala sa amin," ani Precy. "It seems that he really loves you," komento nito. "Gaano na nga pala katagal ang inyong relasyon?" pag-uusisa naman ni Morris. "A-ah, k-kuwan po— "Six months na, Dad," singit ni Zac. "And we decided to get married as soon as possible ,"dagdag pa nito. Nakita niya ang pagrehistro ng pagkagulat sa mukha ng mga ito. "Kasal? Magpapakasal na kayo?" hindi makapaniwalang turan ni Lola Caridad. "Ilang buwan na ba ang tiyan mo hija?" pag-uusisa pa nito. Bigla siyang nakaramdam ng kaba sa tinanong nito at hindi nakasagot. "No, Lola she's not pregnant. Mahal namin ang isat-isa at wala nang dahilan pa para patagalin pa ang kasal, and besides gusto ko na ring matigil ang mga intriga sa akin tungkol sa ibang babae dahil ayaw kong maapektuhan ang relasyon namin ," paliwanag nito. Napaayos siya ng upo nang akbayan siya nito. Hindi pa rin ito kumbinsido. "Masyado naman atang maaga para pag- usapan ang kasalan. Imagine six months pa lang ang relasyon niyo," ani Precy. Ang totoo ay dalawang linggo pa lang mula nang magkakilala sila nito. Tahimik lamang siyang nakikiramdam sa mga ito. Mahirap na at baka madulas pa siya sa mga ito. Pababayaan na lamang niya si Zac na humabi ng sariling kuwento. "Ang pag-aasawa ay hindi kaning mainit na kapag isinubo mo at napaso ka ay basta mo na lamang iluluwa," ani Lola Caridad. Natahimik sila nang magsalita ito. "Hindi sapat na rason na mahal mo lang ang isang tao sa unang pagkikita kaya agad kayong magde-desisyong pakasal. Maano bang kilatisin mo pa siya," "That's enough reason for me" sagot pa rin ni Zac na animo ka-edad lang nito ang kausap. Tumingin ito sa kanya. "Bueno, mukhang hindi mo pa siya nakikilatis nang maigi," Nakaramdam tuloy siya ng mga paru-paro sa tiyan. "Marunong ka ba ng mga gawaing bahay, hija?" tanong nito sa kanya. Nakatutok ang mga mata nito sa kanya. "A-ah— "Marunong siya, Lola," maagap na sagot ni Zac. "At saka hindi ko naman po siya pakakasalan para gawing katulong," dagdag pa nito. "Ows?" aniya sa isip. Pinandilatan nito si Zac, bago muli siyang hinarap. Nakakatakot pala itong maging lola. "Bueno, matuloy tayo. Marunong ka bang magluto?" seryosong tanong nito. Pakiramdam niya tuloy ay nag-a-apply siya bilang maid ng mga ito. Kumabog na naman ang dibdib niya. "Ah...h-hindi— "Yes, Lola. Masarap ang mga luto niya. Iyon nga ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya," muling singit ni Zac bago ngumisi sa kanya. Sarap batukan. Proud pa siyang mag sinungaling sa pamilya niya! Muli itong binalingan ni Lola Caridad. "Tumahimik ka nga Zacarias at hindi ikaw ang tinatanong ko!" singhal nito kay Zac. "Z-Zacarias?" nagtatakang bulalas niya. Napatingin ang mga ito sa kanya. "Zacarias ang totoong pangalan ni Zac," paliwanag ni Precy. "Ah, ganun po ba? Para kasing narinig ko— Natigilan siya nang maalala kung saan niya nga ba narinig iyon. Naku! Hindi kaya ito ang matandang babae na nakausap niya sa telepono? "Tingnan mo na. Ni hindi mo pa nga alam ang totoong pangalan ni Zacarias ay pumayag ka nang pakasal," paninermon ni Lola Caridad. Bigla ay naalala niya ang banta nito sa kanya. Bubunutin ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Kinilabutan siya habang iniisip na ginagawa na nga nito iyon sa kanya. Kawawang Tricia "Nasaan na ba ang mga magulang mo? Naipakilala mo na ba si Zac sa kanila," ani Morris. "A-ang totoo po kasi ay...ulilang lubos na po ako," malungkot niyang turan. Natahimik ito ngunit nakatingin pa rin sa kanya. "Sixteen years old pa lamang po ako nang sabay silang mamatay sa isang aksidente," pagkukwento niya. "I'm very sorry to hear that, Tricia," ani Precy. Pilit ang naging ngiti niya. Pakiramdam niya ay naaawa ang mga ito sa kanya. Bagay na sinamantala naman ni Zac. "Kaya nga po gusto ko na siyang pakasalan. I want to protect her and take care of her," seryosong turan nito. Bigla na lamang siyang nakaramdam ng kilig dahil ba sa sinabi nito ngunit agad ding naglaho. Alam niya naman na isa itong aktor at karapat dapat lamang itong tanghalin bilang best actor. Gusto niya itong palakpakan sa galing sa pag-arte. Bravo Zac! "PIRMAHAN MO NA," utos nito. Nang makauwi sila nito ay kaagad na ginawa na nila ang kontrata. Napapayag na nila ang Lola Caridad at mga magulang nito na magpakasal. "Babasahin ko muna," aniya. Pagkatapos ay sinimulan nang pasadahan ng basa ang mga kondisyones nito kapag nakasal na sila. Ilan sa mga nakasulat roon ay bawal magkaroon ng affair sa iba habang kasal sila nito. Siya pa rin ang gagawa ng mga gawaing bahay? "Sandali. ano ito? Bakit ako pa rin ang gagawa ng mga gawain bahay?" pagre-reklamo niya. "Hindi ako sang-ayon dito" "Babayaran naman kita, saka tutulungan naman kita kapag wala akong trabaho," paliwanag nito. "Sinabi mo 'yan ha? At ano ito? Bawal ang ma-inlove?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Oo bawal ang ma-inlove. Kapag na-inlove ka sa akin ay mawawalan na ng saysay ang kontrata" "Asa ka pa! Hindi ako mai-inlove sayo noh? Baka ikaw pa itong ma-inlove sa akin," puno ng kumpiyansang sabi niya. Ows? Talaga lang? singit ng kontrabidang bahagi ng kanyang isip. Ngumiti lamang ito "Pareho lang tayo" anito. Nakalagay rin doon na pagkatapos ng anim na buwan ay palalabasin nilang annul na ang kasal at mapupunta na muli sa kanya ang bahay. Ito na rin ang bahala ng umayos ng mga kakailanganin sa kanilang kasal. Ilang araw pa bago ang kasal ay maugong na ang nalalapit na pagpapakasal nila ni Zac.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD