Chapter Twenty Eight

1305 Words

UMIBIS siya sa taxi na sinasakyan. Agad ding sumunod ang kaibigan niya sa kanya. Bahagyang maingay sa lugar na iyon. Ibang-iba sa kinalakihan niyang lugar. May mga naglalaro ng basket ball sa kanto. May ilang mga naka tambay at humihithit ng sigarilyo. May mga grupo ng babaeng nagkukumpulan at maingay na nagkukwentuhan. Agad bumungad sa paningin niya ang pakay. Ang buong akala niya ay mahihirapan siyang hanapin ito. Kahit nakatagilid ito ay madali niya pa rin itong namukhaan. "Tiya," tawag niya sa isang babaeng hirap na hirap sa pag brush ng mga maruruming labahin. Nagpahid ito ng pawis sa noo gamit ang isang kamay. Napadako ang paningin nito nang tawagin niya. Bumakas ang pagkagulat sa mukha nito. "T-tricia," Hindi ito makapaniwala. Dahan-dahan itong tumayo mula sa maliit na upuang gaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD