DIANA POINT OF VIEW "Mommy, sobrang saya ko po ngayon kasi magkasabay tayong kakain." "Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba nila kanina?" Taas kilay ko siyang tinignan nang hawakan niya ang kamay ko. Hinigpitan ko ang hawak sa tinidor na ikinatakot niya at mabilis akong binitawan. "Sige, kumain ka lang ng kumain," alangan niyang dugtong. "Mommy, ito pa po, oh." Abot sa akin ni Margaret ng fried chicken. FLASHBACK "Bakit nandito ka?" Gulat kong tingin kay Q na biglaang pumasok ng kotse. Tulog na si Philie na mahigpit kong hinawakan sa kamay. "May gusto lang akong sabihin sa'yo," mayabang niyang sagot habang humaharap sa akin. Sumandal siya sa pinto ng kotse at seryoso akong tinignan. "Ano ba 'yon?" "Totoo bang ikaw si Fallen Angel?" may pagkamangha niyang tanong na nagpakunot agad ng nu

