chapter 19

1136 Words

ISMAEL POV Hindi ako huminga nang maluwag kahit tuluyan nang magsara ang pinto ng armored vehicle. Sa mundong ginagalawan ko, ang “nakasakay na” ay hindi kailanman katumbas ng “ligtas na.” Isa lang itong yugto—isang checkpoint—bago ang susunod na gulo. Umusad ang sasakyan, tahimik pero mabigat. Ramdam ko ang bigat sa dibdib ko na parang may nakapatong na bakal. Sa peripheral vision ko, nakikita ko si Icey—nakaupo nang tuwid, hindi umiiyak, hindi nanginginig, pero ramdam ko ang tensyon sa bawat hinga niya. Parang pinipigil niya ang sarili niyang pumutok. At mas masakit iyon kaysa kung umiyak siya. Sa harap namin, nakaupo ang driver—isa sa mga tauhan ng ama niya. Kilala ko ang tipo. Loyal. Tahimik. At handang pumatay kung kailangan. Sa likod ko naman, naroon ang babaeng ayaw kong makasam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD