Nagising ako sa malakas na liwanag na sumisilip sa kurtina. Sandali akong nalito kung nasaan ako, hanggang sa maramdaman ko ang bahagyang bigat sa gilid ng kama. Nandoon pa rin si Ismael, nakaupo, tulog na tulog, ang ulo’y nakasandal sa headboard, at ang isang kamay ay bahagyang nakapatong pa rin sa akin, parang takot siyang bitawan ako kahit sa panaginip. Lihim ako natawa sa itsura niya; pakiramdam ko ay napakapayapa niyang panoorin habang natutulog siya. Maya-maya lang ay hindi ko na napigilan haplusin ang kanyang pisngi. Ramdam ko ang lambot at kinis ng balat nito. Tila Kay sarap pisilin, kaya bago pa man ako mahuli, tinanggal ko na ang kamay ko na nakahawak sa kanyang pisngi. Tahimik akong bumangon upang hindi siya magising. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa akin, ngunit sa

