Chapter 1 - It's a PRANK
Maaga akong nagising ngayon dahil may practice kami para sa darating na Interhigh at kasali kami nina Trinity at Megan sa Cheerdance competition.
Excited ako dahil talagang gustong-gusto ko talaga ang pagsasayaw, sa katunayan ay kaming tatlo ang leader ng squad dahil talented rin ang mga bestfriend ko.
We're both in second year high school at Monterde State University here in Laguna. And also with my one and only kuya Steve, but graduating siya kaya last year na niya
para makasama namin nakakalungkot pero gano'n talaga.
At meron pa pala, si Travis Guevarra.
Ooppss! Oo na! Crush ko nga siya, pero hanggang do'n lang muna. Alam kong bata pa naman ako kaya crush, crush, lang ang puwede. 'Hahahah'
Pero ba't gano'n? Kapag malapit siya sa akin ay parang lalabas ang puso ko. Sa sobrang lakas ng kalabog akalain mong lalabas na sa dibdib ko, eh!
Oh! Woi…'wag kang judgment d'yan reader. Alam ko baka sinasabi niyo na ang bata ko pa pero ang landi ko na. 'Wag kayo d'yan dahil napagdaanan niyo rin 'to!
'Chaaarrrrrr!' peace tayo guys nagbibiro lang, eh!
So, gano'n na nga! Chikahan ko muna kayo kasi ganito talaga ako before bumangon, tinatamad pa ako, eh! Share ko lang 'to guys.
Ang hirap naman kasi itago ang feelings, kunwari pachil-chill ka lang 'pag nand'yan siya, pero, deep inside kilig na kilig kana!
'Sheemmsss! kinikilig ako my ghad'
Napatigil ako nang biglang, Tok. Tok. Tok. "Haaayssstt!" asik ko.
"Sino naman kaya kumakatok, napakalakas!" Bumango ako sa kama at tinungo ko ang pintuan upang buksan.
"Ano ba kasi 'yo–" hindi ko na natuloy ang sasabihin ng bumungad sa 'kin si, Mommy.
'Ay! Si Mommy pala!' untag ng isipan ko.
"Good morning, Mom," masiglang kong bati.
'Pero 'Lang 'ya, hindi kumibo!'
"Good morning. Bakit parang galit ka?" Pinaningkitan ako nito ng mata.
'Paktay! Nagalit yata si Mommy.'
"Naku! Bakit naman ako magagalit, gustong-gusto ko nga pong ginigising mo poq ako, eh!" pang-aalo ko sa Nanay kong beast mode.
'Sana makalusot'
Pero hindi pa rin nagbago ang expression niya sa mukha, kaya kinabahan na ako bigla.
'Yay! 'wag sana akong makurot sa singit. Mashaakeettt…'yon!'
Pero ang kaba ko ay nadagdagan pa ng pagkagulat.
"It's a Prank!" Bigla niya akong ginulat habang tumalon nang isang beses at nakadipa.
'Shutaaaaa! May saltik na yata ang Mommy ko at tuwang-tuwa pa talaga siya. Tawanan ba naman ako!'
"Mommy naman eh!" Maktol ko at nagpapad'yak sa inis sa pagkagulat ko.
"Akala ko naman galit po kayo, or kukurutin mo na naman ako sa singit," inis kong sabi ng nakabusangot.
"Sa'n mo naman natutunan 'yang, It's a prank na 'yan Mommy?" tanong ko pa.
"To naman! Napanood ko lang sa 'yon sa, YouTube," tugon nito sa 'kin habang kumukumpas-kumpas pa.
Napailing na lamang ako, pati nanay ko may balak na rin yata na maging YouTuber.
'Juice coloured 'wag naman sana!'
"Gigisingin lang naman kasi kita. 'Di ba sabi mo kagabi sa 'kin gisingin kita anak?" pagpa-paalala nito sa 'kin.
"Ahmmn...oo nga pala!" Napakamot ako sa ulo.
"Okay, kaya bilisan mo nang maligo at mag-asikaso ka na dahil nakahanda na ang breakfast, Anak," aniya kaya sumunod na ako agad.
"Yes po, naliligo na po ako. Susunod na ako agad sa baba Mommy." Kumilos na ako habang si Mommy naman ay nililigpit ang kama ko.
"Sige na, ako na ang mag-aayos dito."
"Thanks po!" Sabay pasok ko na sa washroom at naligo.
Tapos na akong mag-almusal kaya paalis na ako. It's Saturday, so we are going to practice the whole day. Next week kasi ay Interhigh na namin kaya puspusan na ang pagpa-practice namin.
Hinanap ko si Kuya Steve pero wala na ito, mukhang nauna na yata. Varsity rin kasi sila ni Travis sa Basketball kaya I'm sure maganda na naman ang labanan nito with other universities.
Nagsuot ako nang Skinny jeans, with high cut converse shoes, and white fitted blouse, then, I'll cover a maong jacket. May sarili akong service pag-pumasok sa school. My Ducati Panigale V S4, regalo nila sa 'kin dahil mataas palagi ang grades ko at siyempre request ko rin. Tinanong nila ako kung ano raw ba ang gusto ko kaya ayon, Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.
No'ng una ayaw nila kasi, baka raw maaksidente ako pero nagmaktol ako sa kanila. Tinanong-tanong pa nila ako kung ano gusto eh! Tapos no'ng sinabi ko ay tumutol sila. Ano kaya 'yon!
Nang ayos na ako ay hinanap ko na agad si Mommy para makapag paalam kaya pinuntahan ko siya sa kusina, ayon nga tila may lulutuin na naman siya.
"Mom alis na po ako, ha!" Lumapit ako rito at humalik na sa pisngi niya.
"Okay, ingat ka Anak. Sabay kayong umuwi ng kuya Steve mo, gusto kong sabay-sabay tayong lahat sa dinner, okay?" bilin nito sa 'kin.
"Maagang uuwi ang Daddy niyo kaya special 'to para sa 'kin. Minsan lang tayong magsabay-sabay kumain dahil masyado na kayong busy," nahihimigan ko ng pagtatampo si Mommy kaya naguilty naman ako.
"Sure po, Mommy. Sasabihin ko po agad si kuya pagdating ko sa school. But for now, I'll go ahead." Yumakap muna ako sa rito bago umalis.
"I love you. You're the best Mommy!"
"Hmmn..binobola mo lang yata ako, eh! Sige na, at umalis ka na baka malate ka pa sa practice niyo." Natawa naman ako ang cute ng Mommy ko.
"Hala, hindi mo na ba ako mahal, Mom," kunwari nag-drama ako. "Bakit wala man lang I love you too?" Nakanguso ko pang sabi. Nakita ko namang nag-alala si Mommy, hindi niya alam pinagtitripan na naman siya ng maganda niyang Anak.
"Of course, I love you too. Ano ka ba naman Star, mahal kita, kayo–" hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil bigla na akong nagsalita.
"It's a prank!" ani ko at tawang-tawa ako dahil seryoso talaga si Mommy, naniwala talaga siya sa acting ko.
"Ikaw na bata ka! Halika nga dito." Akmang kukurutin na ako ni Mommy kaya kumaripas na ako palabas.
"Bye, Mommy. See you later!" Sabay flying kiss ko sa rito.
Tuwang-tuwa talaga ako kapag binibiro ko si Mommy dahil kahit naiinis na siya sa 'kin ay alam kong gusto niya rin naman nilalambing ko siya. Alam kong may pinaghahandaan ito ngayon pero hindi ako nagphalatang may alam ako.
Sa ngayon ay papasok na muna ay aalis na muna ako dahil may practice pa kami.
Habang ako'y patungong school, ay bigla kong naisip si Travis. 'Makikita ko kaya siya ngayon?
Hindi ko magkasama sila ngayon ng kuya Steve ko at may practice din sila ngayon, pero sa laki ng school namin ay hindi ako sigurado kung makikita ko nga sila mamaya. Second year pa lang kasi kami ng mga kaibigan ko at sina kuya naman ay fourth year na, graduating na sila ni Travis.
'Hay! Last year ko na rin pala siyang makikita ng madalas.'
Hindi malabong mangyari na maraming magkagusto sa kan'ya dahil napaka guwapo naman kasi nito at napakabait. Nangangarap din ako madalas ng gising dahil ini-imagine kong may gusto rin ito sa 'kin.
'Hahahaha! Asa pa more..'
Hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa university. Kahit walang pasok ay marami pa ring mga students ngayon, ang iba ay may practice at ang iba naman ay gusto lang manuod.
Iwinaglit ko na muna ang pagpapatansiya ko kay Travis, kailangan ko na mumang mag-fucos sa practice namin. Gusro kong maging Champion ang Squad namin sa Cheerdance, lahat naman 'yon ang gusto pero para sa 'kin ay mas determinado akong mananalo kami.
Magagaling ang mga ka-squad ko kaya alam kong hindi malabong mangyari 'yon.
'Yay! Excited na talaga ako sa Interhigh. Sana manuod siya para makita niya kung gaano ako na galing, mapansin niya man lang ang ganda ko, no!'
Alam kong para na akong tanga, sa pagiging ilusiyonada ko pero, anong magagawa ko? Ganito talaga siguro kapag may gusto ka! O, baka ako lang 'tong eksahiradang nagmamaganda.