Mabilis lang akong nakarating sa School dahil wala namang traffic ngayong sabado. Pinag-buksan ako ng gate ni kuya Michael, ang security guard namin at binati ko naman ito.
"Good morning po kuya, Michael. Thank you!" pasasalamat ko.
"Good morning rin Ms. Star, ang ganda talaga ng umaga. Dahil saan ka ba naman makakakita ng Star tuwing umaga kun'di dito lang sa School," tugon naman nito sa 'kin.
"Asus! Kuya Michael nambola ka pa, ha! Pero infairness, nagustuhan ko 'yon," natatawa kong pa sabi rito.
"Sige dito na 'ko po ako." hindi ko na ito hinintay pang sumagot at nagpatuloy na ako sa parking lot.
Nang matapos ko na itong i-park ay agad na akong naglakad patungo sa Gym kung saan kami ngayon magpa-practice. Habang naglalakad ako sa hallway ay marami sa kanila ang nagbubulungan pero dinig ko rin naman.
'Bumulong pa kayo, guys!' bulong ko.
Guys! Ayan na si, Star. Grabe, ang ganda niya talaga noh!" dinig kong sabi ng isa.
"Korak! Gusto ko 'yong outfit niya, gurl. Simple but rock. Sa nagdadala lang talaga 'yan, eh!" dagdag pa no'ng...It's sounds, hula ko gay 'yong nagsabi.
"Oo nga eh! Idol ko talaga siya, hindi lang sa maganda si, Star. Sobrang bait niya rin kaya," sabi naman no'ng isang friends nila.
"I agree with you, mabait at napaka talented pa niya. Nasa kan'ya na yata ang lahat." grabe naman ang compliment nila sa 'kin, nakakatuwa.
Ngumiti ako sa kanila bago ako lumiko papuntang Gym, at gano'n rin sila sa 'kin. Agad kong nakita ang mga ka-squad ko kaya kahit na ako agad sa kanila.
Malayo palang tanaw ko na agad sina Megan, at Trinity. Ang dalawang best friends ko.
"Good morning guys," bati ko sa lahat.
"Good morning too, Star," tugon nila sa 'kin. Ang iba naman ay tumango at ngumiti sa akin.
"Morning Frenny, ganda mo," ani naman ni Megan.
"Yes Frenny, mukhang may pina pagandahan tayo, ah!" tukso naman ni Trinity sa 'kin.
'Pinag sasabi ng mga 'to?'
"Mga sira! Ano bang dapat na isuot ko, aber?" inis kong sabi.
"Hmmn..basta may awra lang akong nakikita sa 'yo na, 'kailangan maganda ako dahil baka magkita kami ni Crush.' Mga gano'n, Frenny."
'Grabe, wala akong masabi sa lukaret na 'to!'
"Wow! 'di ako na-informed manghuhula ka na pala ngayon?"
"Enough!" saway sa'min ni Megan. "Para kayong mga bata. Ikaw naman Trinity, ano naman kung may crush si, Tala? Ikaw ba'y wala?" Sermon pa nito.
TALA ang tawag nila sa akin, para maiba naman daw, at okay naman sa 'kin gusto ko rin dahil ako lang ang may gano'ng pangalan dito sa school.
"Okay attention everyone," tawag pansin sa 'min ni Jelai, choreographer namin.
"Next week na ang Interhigh, kaya ang masasabi ko lang sa inyong lahat ay, 'wag niyong isipin na nakikipag compete kayo. Isipin niyo lang na gusto niyo ang ginagawa niyo at isapuso niyo lang 'to! I'm sure, maganda ang kalalabasan at hindi kayo kakabahan," Mahabang lintaya nito sa amin.
"Just go with flow of music, then enjoy niyo lang 'yong moment guys, understand?" tama naman siya, dapat talaga isapuso mo kung ano man ang gusto mong gawin.
"Yes Ms. Jelai! Tatandaan namin 'yan!" sabay-sabay kaming sumang-ayon.
"Great! Okay, let's start guys!"
Agad na kaming pumunta sa kan'ya-kan'yang puwesto.
Ang saya dahil magagaling at sabay-sabay na kaming lahat, walang naglalamangan sa galaw kaya masasabi kong teamwork talaga kaming lahat, konting linis na lang ang mga formations at stunts ay perfect na talaga.
Naka tatlong ulit lang kami at pagkatapos ay nag-lunch break na kaya niyaya ko na siya Megan at Trinity magtungo sa cafeteria.
"Let's go?"
"Okay," tugon naman ni Megan.
"Trinity! Wala na ba'ng mas babagal pa d'yan sa kilos mo? Dapat nasa cafeteria na kami ngayon at nakailang subo na ng rice, eh!" sigaw pa nito dahil ang bagal talaga kahit kailan ni Trinity.
"Duuh! Ang bilis ko lang kaya, pinaka mabilis na nga 'tong pagmamadali ko kasi sigaw ka nang sigaw." hanep mabilis na sa kan'ya 'yon, iba din talaga trip nito eh.
"Wow! Hiyang-hiya naman kami ni Tala
sa 'yo, nagmadali ka pa tuloy," sarkatikang tugon naman ni Megan kay Trinity na panay ang pananalamin.
'Hanep! Oo, hindi pa rin siya tapos.'
"Bilisan mo na nga Frenny, sige, iwanan ka na lang namin dito sumunod na ma lang, ha!" Hinila ko na si Megan, iiwanan talaga namin siya.
"Wait lang naman, ito na nga tapos na. Ano ba gusto niyong kainin, treet ko." Napatigil kami ni Megan at nagkatinginan.
"Weeehhhh..'di nga, treet mo?" tanong ko.
"Oo nga! Do I look like I'm joking? Duuhhh!" Pinaikotan ako nito ng mga mata niya.
'Tss.. kung hindi lang 'to manlilibre, kanina ko pa 'to Inutusan ng kilay.'
"Ay, ang ganda ng joke mo. Sana palagi ka na lang mag-joke, Trinity," ani naman ni Megan na ini-etchus lang naman 'yong isa.
'Yawa!'
Tumuloy na kami papuntang cafeteria. Nang makarating kami ay saktong may vacant table and sits na pang limahan kaya 'don na kaming tatlo.
"Frennies, ano order niyo?" tanong ni Trinity. So, hindi nga talaga siya nagbibiro.
"Ahmmn..gusto ko kumain ng kanin, kung anong lang rin sa inyo gano'n na lang rin sa 'kin," ani ko rito.
"How about you, Meg?" si Megan naman ang tinanong nito.
"Asus! Ganito na lang, sasamahan na kita do'n at kung sagot mo 'yong lunch, ako naman sa desserts. Call?"
"Woi! E 'di ako na lang sa drinks, unfair naman wala akong share sa inyo, noh!" sabat ko sa kanilang dalawa.
Nagtawanan naman kaming tatlo, "Sige na nga!"
Naiwan na akong mag-isa sa table at sila na lang ang umorder. Paglingon ko sa entrance ay saktong papasok sina Kuya Steve, at Travis.
'Gosh! Hindi ko akalain na makikita ko siya dito.'
Nakita naman ako nito agad kaya, nakangiti itong lumapit sa 'kin na kasunod lang si Travis.
"Kuya!" Tumayo ako at yumakap sa kuya ko. Oo, yumakap ako. Kasi kahit nasa iisang bahay lang kami ay hindi kami masyadong nagpapangita, laging late na siya umuwi. At ako naman ay nasa kuwarto na nagpapahinga at sa umaga naman tulad kanina hindi ko na siya naabutan.
"Hi Princess!" Sinalubong rin ako nito at niyakap.
"I miss you too," aniya. Napanguso naman ako.
"Wala naman akong sinabi, ah!" Pinitik ako nito sa noo kaya napasigaw ako na kinaligon naman ng mga nando'n.
"Outch! Kuya naman, eh!"
"Why? Are you telling me that you didn't miss me?" aniya pa.
"'To naman! Sasabihin ko pa nga sanang, IT'S A PRANK!" ginawa ko kung ano dapat ang sasabihin ko sa kan'ya.
"Kaso, ako naman 'yong nagulat sa pitik mo," maktol ko sa kan'ya. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Travis.
'Sheemmsss! Nand'yan nga pala siya, nakakahiya'