Sheyla's Pov
Abala ako ngayon dahil magluluto ako nang special dinner para sa 'ming lahat. Birthday ko ngayon kaya ihahanda ko na ang mga kailangan kong lutuin.
Nakakatampo lang kasi wala man lang nakaaala no'n ngayon! Kahit ang mahal kong asawa ay hindi ako binati, pati ang dalawang anak ko. Gano'n ba talaga silang tatlo ka busy para hindi maalala ang Birthday ko?
Naputol ang pag-emote ko nang marinig ko si Star na tinawag ako.
"Mom alis na po ako, ha!" Lumapit ito at humalik sa pisngi ko. Pero ang akala ko pa naman ay may naalala siya kung anong meron ngayon.
"Okay, ingat ka Anak. Sabay kayong umuwi ng kuya Steve mo, ha! Gusto kong sabay-sabay tayong lahat sa dinner, okay?" bilin ko sa kan'ya bago ito umalis.
"Maagang uuwi ang Daddy niyo kaya special 'to para sa 'kin. Minsan lang tayong magsabay-sabay kumain dahil masyado na kayong busy," dagdag ko pa.
"Sure po, Mommy. Sasabihan ko po agad si kuya pagdating ko sa school. But for now, I'll go ahead." Yumakap muna it bago umalis, Nakakatuwa dahil napaka sweet talaga ni Star kahit na no'ng mas bata pa siya.
"I love you. You're the best Mommy!"
"Hmmn..binobola mo lang yata ako, eh! Sige na, at umalis ka na baka malate ka pa sa practice niyo." pinaalis ko na ito dahil marami pa akong gagawin.
"Hala! Hindi mo na ba ako mahal, Mom?" aniya. Aba'y lokong bata 'to!
"Bakit wala man lang I love you too?" Nakanguso pang sabi nito sa 'kin. Kaya inalos ko naman siya agad. Ayaw kong inaakala ng mga anak ko na hindi ko sila mahal dahil silang dalawa ang buhay ko.
"Of course, I love you too. Ano ka ba naman Star, mahal kita, kayo–" hindi na ko na natuloy ang sasabihin ko sana dahil bigla na itong nagsalita.
"It's a prank!" bulalas nito kaya nagulat ako. Tawang-tawa ang loko! Naniwala talaga ako sa acting ng batang 'to, eh!"
"Ikaw na bata ka! Halika nga dito." Akmang kukurutin ko siya, ang kaso'y kumaripas na ito palabas at nagflying kiss
"Bye, Mommy. See you later!" sigaw niya nang nasa labas na ito. Napaka pilya talaga ni Star, pero nakakatuwa dahil napaka bait at matalino. Parang kailan lang ay siya ang baby namin dito sa bahay, ngayon ay dalaga na talaga ang Anak ko.
Nagpatuloy na lamang ako sa aking mga ginagawa, okay lang kahit hindi nila maalala basta kumpleto lang kami mamaya.
End of Sheyla's Pov
~ Tala ~
Kakatapos lang namin kumain at nakasabay na rin naming kumain sina Kuya at Travis nang biglang mag-ring ang cellphone ko kaya aga ko naman itong tiningnan.
'Dad's calling, bakit kaya?' agad ko naman itong sinagot.
"Hello, Daddy napatawag po kayo?" agad kong tanong kay Dad habang nagkatinginan naman kami ni kuya. Nakatitig ito sa 'kin na may pagtatanong sa mga mata habang kausap ko si Daddy.
"Yes Baby, nasaan kayo nang kuya mo?" tanong naman agad ni Dad sa 'kin.
"Nandito po kami ngayon sa school. Bakit po?"
"Okay! May nakalimutan yata kayo ngayon mga anak?" sabi pa nito na kinakunot naman ng noo ko.
'Ano ba'ng ibig sabihin ni Daddy?'
"Daddy I don't get it. Sabihin mo na, please?" pakiusap ko dahil hindi ko talaga alam.
Hinablot naman ni kuya ang cellphone ko at siya na ang kunausap kay Daddy.
~ Steve ~
In my Curiosity I get Star's cellphone while she's talking to Dad. "Hello Dad, it's me!"
"Yes Steve, isa ka pa! Alam niyo ba kung anong petsa ngayon?" agad naman akong napaisip.
'Oh, s**t!' bulong ko.
"I'm sorry Dad, we're very sorry," ani ko. I almost forgot about our Mother's birthday now.
"Okay! So, let's have a plan. We need to surprise your Mom, Son. Hindi ko rin siya binati kaninang umaga kasi gusto kong i-surprised natin siya. But I'm sure nagtatampo na 'yon!" narinig ko ang pagtawa ni Daddy sa kabilang linya. Napailing na lang din ako at napangiti.
"Okay Dad. I'll talk to Star about it and message ko po kayo."
"Good. Thank you Son, ikaw na ang bahala magsabi sa kapatid mo. I need to end this call may aasikasuhin lang ako, bye!" ani ni Dad bago maputol ang tawag nito.
"Bye!" Binigay ko naman agad kay Star ang cellphone niya because we need to talk about the surprise for our mother's birthday.
'Pati ba siya ay nakalimutan rin ang birthday ni Mommy?' isip-isip ko.
"Princess, alam mo ba kung anong araw ngayon?" tinanong ko rin muna siya.
"Oo naman kuya, sabado ngayon. Bakit?" agad niya naman akong sinagot ni hindi pa siya nag-isip basta alam niyang sabado ngayon.
Natawa na lang talaga ako sa ka-cute-tan nitong kapatid ko. "I mean. Wala ka bang naaalala ngayon?" ulit kong tanong at paniniguro ko sa kan'ya.
"Hmmn...ikaw ba kuya, may naaalala ka ba?" loko, hindi ako sinagot, at binalik niya ang tanong sa 'kin.
"Okay ganito kasi yo–"
"That it's our Mom's birthday, then we have to prepare a surprise for her later?" hindi ko na natuloy dahil bigla siyang nagsalita na kinagulat ko. Alam niya pala bakit wala man lang itong sinasabi sa 'kin.
'Tsk! Napaka pilya niya talaga.'
Tinawanan pa ako nito ng nakakaloka. "Kuya, seriously. Hindi mo talaga naalala? Lagot magtatampo talaga 'yon si Mommy. Alam mo ba kanina nga busy siya at mukhang mandami siyang lukutuin. At pinapasabi niya pala sa 'yo na sabay raw tayong umuwi dahil gusto niyang sabay-sabay raw tayong lahat mag-dinner." mahabang saad nito sa akin.
"Yeah! And I feel sorry for Mommy, kaya nga gusto kong bumawi. Anong gagawin natin?" tanong ko.
"Hmmn..ano ba sabi ni Daddy sa 'yo? Ako may gift na ako kay Mommy. Ikaw na lang ang wala, kanina nga parang hinihintay niyang batiin ko siya, eh! But I pretend na hindi ko talaga alam. Basta sinabi ko na lang na, she's the best Mommy ever at niyakap ko siya ng mahigpit."
'f**k! Ibig sabihin ako lang talaga ang nakalimot? Kailangan kong bumawi kay Mommy.'
~ Tala ~
Haayy! Akala talaga ni Mommy nakalimutan kong birthday niya ngayon! Nakakatawa kasi si Kuya ang makalimot, kaya kailangan niya talagang bumawi kay Mommy. Well, alam kong hindi niya naman sinasasad'ya naging busy lang talaga si Kuya.
Ako naman ay matagal ko nang ginawa ang regalo ko kay Mommy. Ipininta ko siya at pina frame ko na rin 'yon! Dito ko lang ginagawa sa school kapag free time namin bawal naman sa bahay kasi baka makita ni Mommy.
At meron pa akong isa pang ipininta. Si Travis. Ewan ko ba, no'ng araw na 'yon ay bigla ko na lang siyang naisip. Balak ko rin namang ibigay sa kan'ya 'yon pero siguro hindi pa ngayon. Basta nakatago lang muna siya at palagi kong pinagmamasdan.