NAKANGUSO at nakasimaktol kong sinusundan sila Kevin. Kasalukuyan na naman kaming naglalakad sa hallway. Hawak ko ang magkabilang strap ng bag ko na nakasabit sa magkabilang balikat ko. Papunta na ulit kami ngayon sa roof top para ipagpatuloy ang program. Naasar ako. Nasa likod ako nila Kevin at Kim ngayon. Mag-isa akong naglalakad habang sila ay sabay. Bandang huli ay ako pa ang walang katapat habang naglalakad! Sh*te 'yan! Nagmukha akong itsyapwera, ah? Pinagtitinginan tuloy kami ng mga kapwa namin kamag-aral. Kanina pa kasi tawa nang tawa si Kevin at Kim. Ang kapal lang dahil sa mismong harap ko pa sila naglandian. I sighed. Nasa likod ko naman sila Andrea, Carl, Pauline, Kyle, Zoe at Jack. Lahat sila may kapareha pero ako? Huwag niyo na lang itanong at umiinit ang ulo ko. "Kevin,

