HAWAK niya ang kaliwang kamay ko at nakatayo na kami ngayon sa entablado. Sisimulan na naming kumanta. Mangyayari na ang kahihiyang habang buhay kong pagsisisihan na ginawa ko na dapat ay hindi ko naman dapat gawin pero dahil sa limang libong piso, gagawin ko. Sayang, e. Malay mo naman ay manalo. Kumakabog ang dibdib ko ng sobrang lakas. Para na akong maiihi sa palda ko dahil sa kaba. Naramdaman ko namang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nilingon ko siya at tinignan. Nginitian niya ako at tinanguan. Para niya akong kinakausap gamit ang kaniyang mga mata. 'Kaya mo 'yan, Bianca.' Huminga ako ng malalim at tumango. Pagkatapos naman nito ay tapos na. I-e-enjoy ko na lang ito. Ano man ang maging resulta, bahala na. Nagsimulang tumugtog ang background music ng kanta nila Jadine

