"Ang ganda naman ng mga paru-parong ito," mahinang bulong ko habang nakangiti silang pinagmamasdan. Nandito ako ngayon sa garden ng school. May napakalawak kasing halamanan, bermuda grass at mga benches sa harap ng school. Madalas kapag hapon at malamig na, rito tumatambay ang karamihan sa mga estudyante bago umuwi. Alas dos pa lang ng hapon ngayon at wala kaming klase. Vacant hours kasi namin ngayon. Mabuti na lamang ay maaliwalas ang panahon ngayon at hindi mainit dito. "Bianca!" Isang pamilyar na boses ang kaagad na nilngon ko. Sila Andrea pala. Kasama niya ngayon sila Zoe at Pauline na tumatakbo at masayang papunta sa akin. Tumayo ako upang salubungin sila. "Oh? Nandito kayo?" masaya kong bungad sa kanila. "Bakit? Bawal na ba?" sarkastikong tanong ni Andrea pabalik sa akin at s

