MAAGA akong bumangon dahil excited na akong magsuot ng bago kong uniporme. Pinlantsa ko na rin ito at ang lahat ng susuotin ko ay nakahanda na. Parang napaka-espesyal lang ng araw na ito. Kinuha ko sa drawer ko ang pabangong ibinigay sa akin ni Kevin at saka humiga sa kama. "Ang mahal mo, 'no?" Pinindot-pindot ko ito na para bang dinuduro. Naalala ko na naman bigla na naging boyfriend ko siya ng sandaling panahon. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako pero palagi kong naiisip si Kyle. I sighed. Pinisik ko ng kaunti ang pabango at sh*t! Sobrang bango! Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng ganitong pabango sa halos dalawang dekada ko ng nabubuhay sa mundong ito. Shocks kasi sa 12k, Beshy! Nang pasado alas sais na ng umaga ay nagluto na ako ng almusal at babaunin namin ni Charles sa es

