ISANG kaarawan ang dinaluhan naming apat na magkakaibigan. Siya si Angelo na may sakit na cancer. Pitong taong gulang na siya ngayon at limang taon ng nakikipaglaban sa malubhang karamdaman na patuloy nagpapahirap sa buhay niya. Kapatid siya ni Jack at sa Palawan nakatira kasama ang kaniyang madrasta at ama. Hiwalay ang mga magulang ni Jack ng dahil sa ibang babae ng kaniyang ama. Nakatira si Angelo sa madrasta nito dahil pumanaw na ang kanilang ina nitong nakaraang taon lamang. Kinukuha ni Jack ang kapatid ngunit ayaw ibigay sa kaniya at palagi siyang pinangungunahan. Ang kanilang ama ay tila nilalason ang isipan nito ng kanilang madrasta dahil sa pera. Simula ng araw na magising ang kaibigan ko mula sa katotohanan ay namuhay siyang mag-isa sa condo unit na ipinamana sa kaniya ng kaniyang

