TULALA akong lumapit papunta sa kanilang direksyon. Ang puso ko ay pumipintig ng mabilis habang papalapit nang papalapit ako sa kaniya. S-Siya ba talaga ang babaeng ito? Ang laki ng pinagbago ng itsura at pananamit niya. “K-Kevin, i-ikaw pala,” utal utal at kinakabahan niyang tanong sa akin. Halata ring nanginginig ang tuhod niya. Ikinalma ko ang aking sarili at pinagsalubong ang mga kilay ko upang hindi niya ako mahalata. “Ano’ng ginawa mo sa pagmumukha mo at ganiyan ang itsura mo?” Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. “Naka-dress at heels ka pa talaga, ah?” Ngumisi ako upang asarin siya. “H-Hindi mo ba nagustuhan? P-Pangit ba?” Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Ang lakas magpagigil ng babaeng ito. Parang gusto ko siyang halikan bigla. Sobrang cute! “Ano sa tingin mo? Na

