NAGISING ako ng nakapalibot na sa akin ang mga kaibigan ko. "Bianca, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Andrea habang nakakunot ang kaniyang mga noo. Tumango lang ako bilang sagot nang bigla kong maalala ang ginawa sa akin ni Fiona. Nandidiri ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ay ang dungis-dungis ko. Tinignan ko ang sarili ngunit iba na ang suot kong damit. Napang-hospital na ako. Napabuntong hininga na lang ako at pumikit. Bakit ba nangyayari sa akin ang mga bagay na ito? Sa totoo lang ay matagal na akong na-i-stress. Depression na nga siguro ito o 'di kaya ay anxiety. Lagi kong tinatanong sa aking sarili kung ano ba ang halaga ko. Bakit ba nag-iiba ang takbo ng mundo ko. Ang gusto ko lang naman ay makapag-aral at makatapos upang maging isang ganap na guro at makaipon. Gusto kon

