"SURE ka ba talagang isasabay mo ako sa pagpasok?" Huminto ako sa gilid ng pinto ng bahay namin nang tanungin ko siya. Maaga niya akong sinundo upang isabay ako sa pagpasok sa school. Nag-aalala naman ako na baka lalo akong kainisan sa school. Baka sabihin nila ay nililigawan na ako ni Kevin kahit na hindi pa. Hindi pa nga ako 100 percent sure na may gusto talaga siya sa akin, e. "Oo naman. Kaya nga kita pinuntahan dito. Tara na!" Parang biglang kinuryente ang kamay ko nang hawakan niya ito. Ilang segundo tuloy akong nawala sa sarili. Umiling na lang ako upang labanan iyon. Kailangan maging kalmado lang ako. Nakakahiya. Binuksan niya ang pinto ng kotse at pinapasok ako. Isinara rin niya iyon nang makapasok na ako. Naglakad siya sa harap ng kotse at pumasok din mismo sa driver seat. Ak

