"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Nita habang nasa biyahe na sila ni Rica. Maaga pa lang ay pinuntahan na siya nito dahil may pupuntahan daw sila. Nakapag-alam nang maayos si Rica sa mga magulang ni Nita kaya pinayagan siya ng mga ito. May tiwala rin sa kaniya ang dalawang matanda lalo na nitong mga nakalipas na araw. Palaging si Rica ang kasama ni Nita at siya na rin ang nag-aalaga rito lalo na kung may trabaho sa bukid ang mag-asawa. Si Honey ay nawili na sa kasasama sa bukid at minsan ay kay Rosa naman. Naging malapit na rin kasi sila. Napatingin si Nita kay Rica. Naghihintay siya ng sagot nito. "Secret nga lang." Sagot ni Rica sa wakas habang abala pa rin sa pagmamaneho. Sinusulyapan niya lang paminsan-minsan ang nakabusangot na babae. Napapangiti siya dahil sa mukhang ipinapaki

