"Ate naman," nababanas na sigaw ni Rica sa ate. Pagkarating kasi nila ay nandito na ito at hinihila siya kung saan-saan at hindi niya na makasama si Nita, na pinagtatawanan na siya ngayon. "Buong araw na kayong magkasama, kaya ako naman ang samahan mo." Pang-iinis pa ni Ella. Nandito sila ngayon sa bahay na malaki, kaya rin hindi pa naihahatid ni Rica si Nita dahil sa ate niya. Balak pa sanang umalis ni Rica para makabili ng regalo sa dalaga kasi malapit na ang kaarawan nito, sa makalawa na. Gusto niyang bigyan ito ng regalo bilang remembrance sa unang birthday na magkasama sila. "Ate, may plano kasi ako tapos sinira mo." Bulong niya pero bakas ang banas. Hindi niya alam kung ano ang trip ng kaniyang ate pero iniinis talaga siya nito. Alas-dos pa lang kanina ay umuwi na sila kaya w

