Nang makarating sina Jhianna at Liam sa bahay nito ay nagulat si Jhianna dahil ang laki pala ng bahay ni Liam. Mayaman din pala ang lalaki dahil para nang mansiyon ang bahay nito sa laki at ganda. "Ang ganda naman ng bahay mo Liam!" nakangiting ani Jhianna. Hangang-hanga kasi siya sa bahay ni Liam. "Salamat, maganda nga pero puno naman ng lungkot," malungkot na sagot ni Liam. "Bakit kasi hindi ka mag asawa para kahit papaano ay sumaya naman ang bahay n'yo lalo na kapag may mga anak na kayo," saad naman ni Jhianna. "Wala pa sa isip ko iyan, isa pa wala pa akong nakikitang babae na mag papatibok sa puso ko eh!" ani Liam. "Pero ngayon parang meron na!" bulong nito dahil ayaw niyang iparinig kay Jhianna ang sinasabi niya. "Anong sinabi mong huli? Sorry, hindi ko kasi narinig eh!" inosen

