Natagpuan ni Jhianna ang kaniyang sarili sa simbahan. Lumuluha siyang nakikipag-usap sa Diyos at humihingi ng lakas upang malampasan niya ang pag subok na hindi niya inaasahan na darating sa buhay niya. "Diyos ko! Hindi ko na po alam ang gagawin ko! Hindi ko kayang iwan ang aking aking anak! Pero wala akong lakas ng loob na kunin siya dahil alam kong wala akong karapatan! Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ngayon Panginoon! Hinang-hina ako dahil sa nangyari pero alam kong batid mo ang buong katotohanan na wala akong ninanakaw! Ganoon lamang ba kababaw ang pag mamahal sa akin ni Brett? Nang dahil sa pera ay kinalimutan niya ang lahat ng magagandang pangako niya sa akin! Panginoon, tulungan mo po ako at gabayan mo din po ako sa aking landas na tatahakin ngayon!" umiiyak na dasal ni

