Isang araw habang nasa sala ang lahat at busy sa pag laro kay baby Jiansen sina Brett ay tinawagan siya ng kaniyang assistant sa opisina. "Hello! Yes, Nathan?" ani Brett nang sagutin ang telepono. "Sir, may problema! Baka po pwede kayong pumunta dito kasama ni ma'am Jhianna!" anito na parang emergency. "Ok, punta kami diyan!" sagot ni Brett saka ibinaba ang kaniyang telepono. "Jhianna, sandali lang. May sasabihin ako. Mom, dad may sasabihin lang po ako kay Jhianna," ani Brett Saka siya pumasok sa kuwarto ni Jhianna. Nag tataka naman si Jhianna kaya sumunod agad siya kay Brett. "Jhianna, tumawag si Nathan at may mergency daw sa opisina! Kailangan nating pumunta kaagad doon ngayon!" ani Brett. Nabigla naman si Jhianna sa sinabi ni Brett at bigla siyang kinabahan. Tila may kakaiba siy

