Habang nasa byahe ay walang sinuman ang gustong mag salita. Galit na galit pa rin si Brett habang si Jhianna naman ay tila natulala dahil sa pangyayari. Nahihiya din siya kay Brett dahil doon Hindi niya inaasahan na mangyayari ang ganoon, gusto lang naman sana niyang malibang kahit sandali pero ayun ay napahamak pa s'ya at muntik pang marape. Kaya naman hiyang-hiya siya dito. Nang makarating sa condo ay inalalayan ni Brett si Jhianna hanggang sa makapasok sila sa sala. Wala pa ring umiimik sa kanila. Nang makaupo sa sofa si Jhianna ay iniwan muna ito ni Brett at pumunta siya sa kusina para kumuha ng malamig na tubig. Pinainom niya si Jhianna ng tubig dahil medyo na shock pa ito dahil sa nangyari kanina. Hindi siya makaimik ngayon dahil kahit siya ay tila natakot din kanina. Takot at

