Matapos kumain ay gumayak na sina Jhianna at Jenny. "Brett, alis na kami ha! H'wag ka na muna mag trabaho ngayon. Matulog ka naman tutal sabado naman bukas," ani Jhianna. "Oo babe, nakaramdam nga ako ng pagod. Matutulog na lang muna ako ng maaga, bukas na lang ako ulit mag tatrabaho. Kailangan ko kasing busisiin masyado ang mga files para malaman natin kung paano ginawa ang pag nakaw sa kumpanya," saad naman ni Brett. "Ok, sige na alis na kami. Bye! Babe," ani Jhianna at humalik muna kay Brett bago ito iniwan. "Bye! Babe, enjoy ka ha!" saad naman ni Brett at inihatid palabas sina Jhianna at Jenny. Tiwala naman kasi siya sa dalawa kaya walang problema sa kaniya ang pag labas nito. Mabilis na pinaandar ni Jenny ang kotse at dumiretso sila sa isang bar. Maingay at maraming nag sasayaw

