"Pare, akala ko ba ay si Jianna lamang ang titira dito sa condo? Bakit andito ka pa rin hanggang ngayon ha?" tanong ni Luke. Nasa sala sila habang ang dalawang babae ay nasa kusina at inaayos ang kanilang pinag kainan. Nabigla naman si Brett sa tanong ni Luke na hindi niya inaasahan. "Sinisiguro ko lang muna kasi na maayos ko siyang iiwanan dito at kinumpleto ko muna ang lahat ng mga gamit at mga pangangailangan niya dito para pag alis ko ay hindi siya mahirapan," palusot ni Brett. "Ganoon ha?"tila hindi naniniwalang sagot ni Luke at nakangiti ng parang nakakaloko. "Umamin ka nga sa akin Brett, nahuhulog ka na ba kay Jianna?" diretsahang tanong ni Luke sa kaibigan na halatang na tense dahil sa tanong niya. "Luke, Jianna is my responsibility, so I'm just making sure she's okay befo

