Pabalik na sana ng kuwarto si Jianna nang makita niya si Brett sa sofa habang mahimbing na natutulog. Lumapit siya dito at pinagmasadam niya ang mukha ng binata. Ngayon niya lamang napansin na napakaguwapo pala nito. James Reid lang kung ihahambing sa mga artista. Dati kasi hindi niya ito napapansin dahil himdi naman siya ang tipo ng babae na itsura ang unang tinitingnan sa lalaki dahil mas mahalaga sa kaniya ang ugali. Hindi niya napigilan na hawakan ang mapupulang labi nito ngunit nagulat siya ng biglang hawakan nito ang mga kamay palapit dito kaya napasubsob siya kay Brett dahil sa pag hila nito sa kaniya. Unti-unti ay nagkatitigan sila at dahan-dahang lumalapit ang mga mukha nila hanggang sa lumapat ang mga labi ng bawat isa. Masuyong hinalikan ni Brett si Jianna at tumutugon din si J

