Matutulog na sana si Jhianna ng gabing iyon nang pumasok si Brett sa kuwarto na parang balisa at may malalim na iniisip. Tahimik lamang ito at dumiretso sa kama na parang wala sa sarili. Akala mo ay pinag sakluban ng langit at lupa ang itsura nito. Nag alala naman si Jhianna kaya nilapitan niya ito at hinaplos ang braso. "Babe, may problema ba?" nag aalalang tanong nito. "Tumawag si mommy," malungkot na saad nito. "Oh! Bakit ka malungkot?" nag tataka namang tanong ni Jhianna. "Nagalit sila dahil sa ibinigay ko daw sa iyo ang posisyon nang hindi sila tinatanong. Hindi ko alam kung sino ang nag sabi sa kaniya eh!" tila naiinis na saad ni Brett. "Pwede ko namang bitawan ang posisyon kung ayaw nila eh!" tila nalungkot naman na sagot ni Jhianna. "Hindi lang naman iyon ang ikinagalit nil

