CHAPTER 37

1247 Words

Nakahanda na ang lahat para sa pag dating ng mga magulang ni Brett. Pang pamilya lamang ang hinanda ni Brett dahil baka may mangyari eh nakakahiya naman sa mga bisita. Magalit man o manermon ang kaniyang magulang ay walang problema dahil sila lamang ang naroon. Hindi naman mapakali si Jhianna dahil medyo kinakabahan siya. Iwasan niya man ang mag isip ay hindi mawala sa isip na niya na baka palayasin siya bigla ng mga magulang ni Brett. Natatakot siya ngunit ayaw niya ipahalata kay Brett iyon. Sa harap ni Brett ay kailangan niyang maging matatag dahil ayaw niya nang dagdagan pa ang mga pinoproblema nito. Alam niya kasi na natatakot din si Brett sa maaaring maganap ngayon. Kung ano man iyon ay walang nakakaalam. "Ma'am, sir, dumating na po ang senyora! at ang don" sabi ng isang katulong.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD